Chapter 12

1 0 0
                                    

Third Person's POV

Halos mabingi na si Ram dahil sa tugtugin sa kanilang bahay.

Animo'y parang nasa isang club sila at nagkalat ang mga taong nagsasayawan habang magkakadikit ang kanilang mga katawan.

Sa 'di kalayuan ay natanaw niya si Martian na nakaupo sa sofa habang naka-akbay sa dalawang babae na nakayakap sa kanya.

Nandiri siya sa nakita at inis na lumapit dito.

"Hoy Martian!" malakas na sigaw niya upang marinig siya nito.

"Hey, Ram! Nakabalik na pala kayo. Nabili ba ni Sel 'yung chocolate--"

"Na condom?" pagdudugtong ni Ram.

Napangiti sa gulat si Martian.
"So you knew huh? Hahaha!"

Inismiran siya ni Ram bilang tugon sabay halukipkip.

Napansin naman ng lalaki na beast mode ito at nagsalin ng alak sa baso niya sabay lahad kay Ram. "Here, shot ka muna," aniya.

"No thanks," pagtatanggi ni Ram at umiwas ng tingin.

"What?! Don't be a party pooper Ramibabes. You should be feel proud of yourself, ikaw pa lang ang binibigyan ko ng drink, am I right girls?"

"Absolutely," malanding sagot ng isang babae sabay hawak sa dibdib ni Martian.

Inis na nilingon siya ni Ram. "At bakit naman ako magiging proud doon? Eh kaya ko naman kumuha mag-isa ng iinumin ko?" tinignan niya ng ilang segundo ang baso na hawak ni Martian at bigla na lang itong hinablot sabay lagok nito.

Napa-pikit pa siya dahil sa pait at tapang nito na dumaloy sa lalamunan niya.

Palihim na napangiti si Martian.

~*~

Ilang oras ang nakalipas ay kasali na si Ram sa mga nagsasayawan na hindi niya kilala. Hindi niya alintana ang pagiging lasing sa oras na ito.

Habang ang apat ay nakaupo sa sofa at nakatingin kay Ram.
"What do you guys think of her?" biglang tanong ni Martian sabay inom ng alak.

"She's nice," tugon ni Gerard.

"Lasing na," sagot naman ni Bryan.

Natawa ang tatlo sa sinagot ng kanilang kaibigan.

"Halata nga. Parang kanina lang ang tahimik niya, tapos ngayon akala mo parang nakawalang leon sa zoo," natatawang tugon ni Sel.

Hinarap siya ni Martian, "paano niya nga pala nalaman 'yung chocolate?" usisa nito.

"Chocolate?" nagtatakang sabat ni Gerard.

"Noong huminto ako sa tapat ng convenience store para bumili no'n, sabi ko maghintay siya sa sasakyan tapos ayun, noong magbabayad na ako bigla siyang sumulpot sa tabi ko," natatawang pagku-kwento ni Sel.

"Tapos?" wika ni Bryan.

"Tapos ayun, nagkatinginan sila no'ng cashier. Nagmadali siyang lumabas. Natawa nga 'yung babae eh, sabi niya baka kung ano na raw ang iniisip no'n," pagtatapos niya.

Sabay-sabay na nagtawanan ang mga lalaki.

"Kasalanan mo kasi, nagpabili ka pa kaya mo naman gawin," paninisi ni Bryan kay Martian.

Nagkibit-balikat lang ito bilang tugon.

Lumagok ng alak si Bryan at muling tumingin kay Ram, kumunot ang noo niya nang mapansin na may isang lalaki na dikit nang dikit dito pero hindi iyon alintana ng babae. Tumayo siya at naglakad papunta sa kinaroroonan ni Ram.

HousematesWhere stories live. Discover now