Chapter 22: I'm a father

Start from the beginning
                                        

"Ice! Hold on! I got you!"

Dinilat ko ang aking mga mata at inangat ang tingin sa pinanggalingan ng boses.

"O-Orville.."

"Give me your left hand!" Inilahad niya sa akin ang isa niya pang kamay.

Sinunod ko siya at inabot ko ang isa niya pang kamay.

Dahan-dahan niya akong iniangat at madali niya lamang iyong nagawa dahil siguro sa gaan ng katawan ko.

"Are you alright?" Agad niyang tanong sa akin ng tuluyan akong makaapak muli sa sahig.

Umiwas ako ng tingin sa kanyang mga mata na puno ng pag-aalala. Tumango na lamang ako habang nakahawak sa aking kanang balikat na sobrang sakit.

Binalingan ko si Asy at nakasandal siya sa dingding habang hawak-hawak ang kanyang dibdib.

"Asy."

Ngumiti siya sakin pero kita kong nanghihina pa talaga siya.

"I'm fine, Ice." Mahinahon niyang sabi.

"You're injured." Pansin ni Orville. Hindi ko na lamang pinansin at liningin ang nasa baba ng maalala si Laynah.

To my surprise, nakatingin rin siya sa akin ngunit kakaiba iyon. It was warm and she even smile at me. Inaalalayan siya ng dalawang lalaking armado at nasisiguro kong myembro ito ng Solar dahil na roon rin sa baba si Sir Harris.

Paano sila napunta rito?

"I called for back up, Ice. It's now fine." Ani Orville.

Agad akong napabaling sa kanya..

"Y-You h-heard everything.." It's not a question but a statement.

Hindi siya sumagot at binalingan si Asy. Nakita niyang nanginginig ang mga tuhod ni Asy kaya binuhat niya na lang si Asy pahiga sa kama.

"Orville.." tawag ko sa kanya.

He might know that I'm the real Blue Rose lalo na't na sa sahig pa rin ang aking dagger.

What should I do?

Pagkatapos niyang ipahinga si Asy, binalingan niya ako na may lungkot sa kanyang mga mata. Umiwas rin siya agad ng tingin saka siya yumuko at kumuha ng panyo. Lumuhod siya sa aking harap at pinulot ang dalawa kong dagger.

Ng tumayo siya ay hindi pa rin ako makapagsalita. Ni hindi ko alam ang dapat kong sabihin.

"What should I do, para maibalik ito sa form niya bilang isang palamuti sa buhok?"

Nagulat ako sa kanyang tanong.. what?

Napabuntong hininga siya dahil hindi ako nakasagot agad.

"Ice, kailangan nating itago 'to bago pa makataas si Sir."

"O-Orville."

"Pangatlong beses mo na akong tinawag sa pangalan ko. Walang Orville button ang dagger mo."

Parang gusto ko siyang sapakin sa pamimilosopo.

Damn! Anong tumatakbo sa isip niya? Hindi niya ba ako isusuplong sa keeper niya?

"Why are you doing this?"

"Ice, there's no why-are-you-doing-this button her too."

Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ko sa kanya ang twin dagger ko gamit ang kaliwa kong kamay.

"There's no button.." wika ko na lamang. "Only codes." Dagdag ko.

I tapped its handle for several times. Natupi ang mga blades nito at nagmistulang stick.

Code: ICE (Code Series #1)Where stories live. Discover now