Chapter 36

5.4K 152 9
                                    

R18+

"Okay ka lang?" Nakatulala lang ako habang nakatingin sa labas. Nasa isang italian restaurant kami ngayon.

"Cloy? Talk to me please."

"Cloy." Napakurap na lang ako ng biglang magsalita si Yakob kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko napansin na nagsasalita pala ito.

"I'm sorry. Hindi ko alam na she will go this far." Pagpaliwanag nito sa akin at tumango lang ako. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito.

"Ano bang meron kayo ni Natasha?" Tanong ko rito at tumingin sa kanya.

"Nothing. I mean she was just a friend to me. Yun lang yun wala nang iba."

"Yun lang?"

"Oo, yun lang. Hey! Don't think too much okay. Kinakabahan ako baka iwanan mo na naman ako."

"Kain na lang tayo." Pagsawalang bahala ko. Tumingin ako kay Yakob at nakatingin lang siya sa akin na may pag-alala.

"Okay na. I trust you." Hinawakan ko ang kamay niya ang I smiled to reassure that I'm okay.

Ngunit kinakabahan ako kay Natasha. Hindi ko alam kung ano ang pwede niyang gawin sa amin ni Yakob. Iwinaksi ko na lang sa isip ko ang nangyare. I trust him and he love me, that's enough for me.

Bumalik kami sa trabaho na tila walang nangyare kanina tsaka ayaw ko na rin isipin yun dahil nakakadagdag lang ng stress sa buhay.

"See you later." Paalam ni Yakob sa akin ng palabas na ako sa elevator. He kiss mu cheeks and so I am.

"See you."

"May pupuntahan tayo mamaya." Hindi na ako nakapagtanong nang makalabas na ako ng elevator.

"I love you." He utter bago magsara ang pintuan.

Napailing na lang ako at pumunta na sa opisina. Buong hapon trabaho lang ang ginawa ko at umattend ng mga meetings. Nagbrainstorming din kami ng mga ibang architect sa final design na gagawin namin sa isang corporation.

Pababa na ako para umuwi ng biglang magbeep ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko.

From: Yakob

See you in the parking lot ;)

Naalala ko na may sinabi siyang pupuntahan namin ngayon. Pagdating ko sa parking lot nakita ko siya sa sasakyan niya na nakasandal dito.

"Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya ang I kiss him in his lips.

"Hindi naman."

"Sandali." Pagpigil ko sa kanya. Tumigil ito at tinignan ako na may pagtaas ng kilay. Alam kong nagulat siya ng bigla ko na lang siyang yinakap. Ewan ko ba ngunit para gusto ko ng yakap niya  ngayon, parang hinahanap ito ng katawan ko.

"Nakakapagod." Daing ko rito habang imprenteng nakasandal ang ulo ko sa kanyang dibdib. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok nito na tila sumasabay rin ang puso ko sa pagpintig ng sa kanya.

"Okay ka lang?" Tanong nito sa akin habang hinahaplos ang aking likod. Nakakagaan ng paghaplos niya at ang init ng katawan niya.

"Okay lang. Can we just stay like this for a moment." Ani ko sa kanya.

"Okay." He said.

Ilang minutong nakayakap lang ako sa kanya at pagkatapos ay lumarga na kami paalis. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta ang tanging alam ko lang ay siya lang ang nakakaalam ng lugar na iyon. Medyo may kahabaan ang byahe.

"I-suot mo na ito?" Napatingin ako sa kamay ni Yakob at kita ko ang panyo rito.

"Para saan ito, aber?" Wika ko sa kanya at kumunot ang noo ko.

Flower and CigaretteWhere stories live. Discover now