Chapter 3

8.2K 331 29
                                    

Sabado ngayon at tumulong lang ako sa grocery store namin habang si Mama naman ay nasa salon.

Tumulong lang ako sa pagimbak ng stock at naging cashier na rin ako sa araw na iyon. Maayos na man ang aking sabado dahil usually ganon lang naman ang ginagawa ko at iyong kundisyon ni Yakob, as of now, wala pa akong natatanggap na text na galing sa kanya. Marahil nakalimutan na niya siguro. Oo, baka nakalimutan na niya at sana huwag na niya akong i-text pa.

Linggo na at nagsimba lang kami ni Mama at kumain sa labas. Parang ito na ang nakasanayang bonding naming mag-ina. Binilhan din niya ako ng damit at sapatos dahil maganda daw ang results ng mga drawings ko.

Gabi na ngayon at nakahilata lang ako sa kama. Wala akong maisip na papanoorin na series at wala din akong magawa, walang rin kasing plates at assignment.

Napahawak na lang ako sa aking tyan dahil tumunog ito, gutom na naman ako kahit kakatapos lang namin ng dinner parang hindi ako nabubusog. Bigla din akong nagcrave ng donut at banana milk. Kinuha ko ang wallet ko at nagpaalam kay mama na lalabas ako papuntang 7/11. May malapit kasing 7/11 sa amin na kayang lakarin lang.

Nakarating na ako doon at bumili ako ng donut at dalawang banana milk. Favorite ko kasi 'yun at mahilig ako sa mga sweets. Bumili rin ako ng face mask na kahit mahal ay pinatulan ko na kailangan kong maglagay nito dahil ang dry na ulit ng face ko.

Nagbayad na ako sa cashier at kinuha ang aking pinamili. Sa bahay na lang ako kakain. Naglakad na ako papunta sa bahay ng may maramdaman akong sumusunod sa akin. Lumingon ako upang tignan ang likuran ko at may isang lalake na sumusunod. Bigla dumaloy ang takot at nerbyos sa katawan ko.

"Psst!" Sitsit nito sa akin ngunit hindi ko pinansin bagkus binilisan ko pa ang paglakad ko. Sumabay rin iyong lalake sa bilis kung paglakad kaya ang ginawa ko tumakbo na lang ako.

"Chumuchupa ka ba?" Habol na sabi nito sa akin. Manyakis pala ito! Anong kala niya sa akin Callboy o pokpok na bakla.

"Tulong!" Sigaw ko ngunit mabilis ang takbo ng lalake kaya nahabol niya ako. Yinakap niya ako at kinulong sa kanyang bisig. Ramdam ko na inamoy niya ako sa may bandang batok na nagdala ng pagtaas ng balahibo ko.

"T-tulong!" Sigaw ko ulit at kumawala ang luha sa aking mata. Tumindi na rin ang takot at panginginig na nararadaman ko. Pinagpawisan na rin ako ng malamig.

"Bitawan mo siya!" May boses ng lalake ang nagpatigil sa kanya at lumingon ang mayakis na nakayakap sa akin sa kanyang likod. Tila nakahagilap ako ng pag-asa dahil sa lalakeng nag-salita.

"Huwag kang makialam dito." Sabi ng manyakis.

"Ano tol! Bugbugin ko na ba ito." Tumingin ako sa lalake at parang humihingi siya ng pahintulot kaya tumango lang ako.

Sumugod ang lalake at sinuntok sa mukha 'yung mayakis dahilan para makawala ako sa bisig niya at mapaupo ako sa malamig na kalsada.

He was so strong. Nang makabawi ng bwelo ang manyakis na lalake ay umamba rin siya ng suntok ngunit nailagan ito ng lalake at sinipa siya sa tagiliran. Malakas ang sipa ng lalake dahil namilipit sa sakit yung manyakis habang hawak niya ang kanyang tyan. Napagulong gulong siya sa kalsada dahil sa sakit.

Bigla ding may dumating na tanod ng barangay namin at tinanong kung anong nangyare. Sinabi ng lalake na hinabol niya ako at tinangkang kunin. Kinuha nila ang lalake at ginapos ang kanyang kamay. I feel relieved and safe right now. Buti na lang at may tumulong.

"Okey ka lang." Lumapit sa akin ang lalake, nakatunganga lang ako at patuloy na prinoproseso ang nangyare. Nanginginig parin ang kamay ko.

"Halika at i-pablotter natin sa barangay." Suhestyon nito. Tumango na lang ako at inalalayan niya akong tumayo. Pinulot niya ang wallet ko pati na rin ang mga binili ko kanina.

Flower and CigaretteWhere stories live. Discover now