Chapter 2

8.5K 343 43
                                    

Maaga akong nagising at mukhang masarap din ang tulog ko kahit may naisip akong demonyo kagabi.

Bumaba na ako matapos kung gawin lahat ng morning routine ko at nadatnan ko si Mama sa kusina habang naghahain ng breakfast.

"Good morning Ma!" Masigla kung bati rito at hinalikan siya sa pisnge.

"Good morning anak." Bati niya sa akin at inilapag ang hotdog sa mesa at bumalik ulit para tignan ang niloloto niya.

"Ang blooming mo ngayon?" Pangbobola ko rito.

"Che!" Pinandilatan niya ako at natawa na lang sa sinabi ko.

Single mom si Mama at hindi ko na rin nakilala pa ang tatay ko dahil maaga itong nabuntis, she was 2nd year college at that time. My dad has no balls at all, at sana hindi na niya gawin pa sa susunod niyang pamilya ang ginawa niya sa amin, kung meron man. Masaya naman kami ni Mama kahit dalawa lang kami sa bahay and may sarili rin kaming business na grocery shop at salon. Madalas akong tumulong doon para kahit papaano hindi ako maging pabigat sa kanya.

Mayamaya pa ay sumabay na sa akin si Mama at nagtanong lang tungkol sa school at kung may jowa na ba ako.

Alam ni Mama na bakla ako. Hindi siya nagalit sa akin nung sinabi ko sa kanya na I was gay bagkus yinakap niya ako at sinabing "Be whatever you want, suportado kita." I was happy and proud dahil siya ang nanay ko and I couldn't agree anymore.

Pumasok na ako pagkatapos kong kumain at nasita ako ng guard dahil sa wala pa 'yung I.D ko at buti na lang napakiusapan ko si Manong Guard na nawawala ang I.D ko at kukunin ko pa lang sa nakapulot.

Pinalista niya muna ang pangalan ko, para mamaya ay magreport ako sa kanila na nakuha ko na ang I.D ko.

Umakyat na ako sa floor namin at dumiretsyo sa classroom namin, G708. Pagkapasok ko ay kunti pa lang ang tao at bilang pa sa kamay. Umupo muna ako sa likod sa may tabi ng bintana at kinuha ang wireless earphone ko.

Magpapamusic muna ako habang nagscan ng notes baka kasi may surprise quiz na naman.

Mayamaya pa ay nagsipagdatingan na rin ang mga iba kung kaklase pati na rin si Hannah. Mukhang haggard ang lola mo dahil siguro nanood na naman ito ng series hanggang madaling araw.

"Oh! Kamusta sismars! Buti nakatulog ka?" Siya pa ang may ganang mag-tanong sa akin niyan at alam ko ang gustong ipahiwatig ni Hannah.

Ang baklang ito! Hindi makamove on sa nangyari kahapon. Hindi ko na nga iniisip pinapaalala pa.

"Manahimik ka. Huwag munang ipaalala pa dahil sinusubukan kung kalimutan." Babala ko rito at pinaikot ang aking mata sa kanya. Inirapan lang ako ng bruha!

Dumating na ang instructor namin ng visual techniques 1 at may ipapagawa na naman siyang plates. Jusmeyo! hindi matapos tapos na plates.

"So for today's plate, you will do an outdoor sketching. Your subject will be plants."

Matapos sabihin ang gagawin ay umalis na rin ang instructor namin. I prepared my things para lumabas na at bibili pa ako ng drawing paper.

"Bili muna tayo ng papel." Sabi ko kay Hannah at tapos na rin siyang mag-ayos ng gamit niya.

"Okay."

Lumabas na kami at bumaba na. Dadaan kami sa Gate 4 ng building namin dahil may bilihan doon ng art materials.

Nasa 4th floor na kami, floor ng Civil Engineering, ng may makita akong pigura ng demonyo. Oo literal na demonyo! Napatingin siya sa akin at ngumisi na parang may masamang balak ito. Napapunta na lang ako sa likod ni Hannah para magtago ngunit useless din dahil ang liit niya. Nakita rin ni Hannah si Yakob kaya pati siya ay naintimidate sa presensysa niya.

Flower and CigaretteOnde as histórias ganham vida. Descobre agora