Chapter 17

5.7K 211 21
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Napadaing ako dahil sa kirot ng ulo ko at tila naduduwal ako.

Dali-dali akong tumayo at pumunta sa may C.R para magsuka. Matapos sumuka ay nagmumug at naghilamos na lang ako. Lumabas ako ng banyo na hawak ang masakit kung ulo. Hindi na talaga ako iinom kahit kailan.

Humikab at nagunat-unat na lang ako para mabuhay ang diwa ko nang mapansin na wala ako sa sarili kong kwarto. Tumingin ako sa suot ko at damit ito ni Yakob.

"Bakit ako nandito?" Taka kung tanong. Lumabas agad ako at nakita ko siyang nagluluto sa may kusina. Pumunta ako sa may counter top at umupo roon. Hindi ako kumibo dahil hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya lumingon siya kunti para tignan ako.

"Gutom ka na?" Wika niya habang nakatalikod parin. Hindi ako sumagot at pinagmasdan ko lang ang malapad niyang likod. Nakasuot lang siya ng apron at boxer.

"Oh!" Nilapag niya ang isang bowl na may itlog, hot dog at sinangag.

"Kumain kana at uminom ng gamot." Tinanggal niya ang apron na suot niya at bumalandra ang matipuno niyang katawan sa akin.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ko sa kanya dahil paalis na siya.

"Maliligo muna ako." Tumango na lang ako at kinain ang hinain niya sa akin. Bago siya umalis may pinatong siyang juice at gamot para sa sakit ng ulo.

"Thank you." Wika ko rito.

"Kumain kana dyan." Tumango na lang ako at tahimik na kumain. Iniisip ko parin kung anong nangyare kagabi at bakit ako napunta rito. Kunti lang ang naalala ko at nasapo ko na lang ang ulo ko dahil naalala kung tinawagan ko pala siya.

Tila gusto kunang magpalamon sa lupa dahil sa katangahan na ginawa ko. Ngayon mas nahihiya na ako kay Yakob. Inisip ko pa ang nangyare ngunit wala na akong maalala pa bukod doon.

Natapos kunang kumain nang lumabas si Yakob na nagpupunas ng basa niyang buhok. Kumuha lang siya ng tubig at uminom rito. Hindi ako kumibo dahil nahihiya ako.

"Uhmm Sorry." Sabi ko rito at tumingin siya sa akin. Tinignan niya ako ng seryoso at napangiti.

"For what?" Nilagay niya ang tubig sa may ref at sinara ito.

"Kagabi, I know hindi sana kita tinawagan." Ang tanga ko sa part na 'yun at sana wala na akong sinabi na mas ikakahiya ko pa.

"Yun lang?" Ani niya at mukhang kinakabahan rin siya dahil lumalaki pa ang mata niya.

"Yun lang naalala ko." Wika ko at uminom sa juice.

"Wala nang iba." Ngumusu-nguso pa ito na animo'y humahalik habang sinasabi niya na walang nang iba.

"Bakit may ginawa pa ako?" Tanong ko rito at prinipared ko na ang sarili ko sa kahihiyan ulit.

"Wala naman." Patay malisya nitong sabi at nakahinga ako ng maluwag.

"Baka ako." Mahinang bulong niya kaya hindi ko na narinig. Niligpit kuna ang pinagkainan ko at hinugasan ito. Pumunta lang si Yakob sa sala at nanood. Ininom ko na rin ang gamot na binigay niya.

"Okay kana?" Tumingin siya sa akin at tumango lang ako at umupo sa tabi niya. Kahit papaano naibsan ang kirot ng ulo ko.

"Yung phone ko?" Tanong ko sa kanya at tinuro lang niya sa baba ng tv.

Kinuha ko ito at ang daming messages at calls na galing kay Luigi at Hannah. Binasa ko ito at mukhang hindi ako nakapagpaalam kagabi.

"Hatid na kita mamaya." Tumingin ako kay Yakob dahil sa sinabi niya. Tutok pa rin siya sa pinapanood niyang series sa netflix.

Flower and CigaretteWhere stories live. Discover now