Chapter 23

4.8K 184 2
                                    

"Ready na ba ang dadalhin mo?" Tanong ni Mama sa akin habang nakasandal ito sa may pintuan.

Tinulungan niya akong mag-impake para bukas at pinayagan na rin niya ako na pumunta sa Siargao kasama si Yakob ngunit nung una tutol pa siya ngunit dahil sa pagpipilit ni Yakob ayon napapayag niya si Mama.

Tumulong din ako sa store at salon kapalit ng allowance na gagastusin ko kapag nandoon na kami. Kakatapos din ng finals at sembreak na namin.

"Opo ma." Wika ko rito at sinarado ang malaking duffel bag na dadalhin ko.

"Magpahinga ka na rin at ito pala." Inabot ni Mama ang credit card sa akin. Lumapit ako rito at kinuha sa kanyang kamay. Yumakap ako sa kanya.

"Be responsible enough." Pagpapaalala nito at bakas sa boses niya na nagaalala rin siya.

"Opo." Magalang kung sabi habang nakapatong ang ulo ko sa kanyang balikat.

"Always be guided. Huwag kayong padalos-dalos." Dumampi ang palad nito sa aking pisnge at mahinang tinapik-tapik ito.

"Opo."

"Sige matutulog na ako. Matulog ka na rin"

Humalik na lang ako sa pisnge ni mama at sinarado na ang pinto. Humiga na rin ako at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok dahil sa nerbyos at excitement siguro. Mayamaya ay nagtext sa akin, si Yakob.

From: My Love

Ready for tomorrow

Napalitan na ang pangalan niya sa aking contacts dahil minsan nakita nito ang contact name niya na THE DEMON. Inis na inis siya sa akin bakit ganon daw ang pangalan ko sa kanya at yung pangalan ko sa contact niya ay My Love. Hindi ko alam kung maiinis din ako o matatawa. Hindi naman ako fond sa mga tawagang ganito ngunit dahil sa'kanya pumayag na lang ako. By the way, siya ang nagtype ng contact name niya dapat daw pang-couple goals. Minsan talaga parang bata kung umasta itong si Yakob.

To: My Love

Bakit hindi ka pa tulog?

From: My Love

Excited siguro akong masolo ka.

May emoji pang pakindat ang text niya. Namula na lang talaga ang pisnge ko dahil sa tinext niya at kahit wala siya sa harapan ko nagagawa niya parin niya akong pahiyain at pakiligin at the same time.

To: My Love

Matulog ka na lang.

From: My Love

Sige good night sana mapaniginipan kita HAHAHA. Also, I love you.

Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang pagkawala ng kilig sa aking bibig. Hindi ko alam ngunit sa bawat pagsabi niya ng "I love you" ang lakas ng tama nito sa akin.

To: My Love

Love you too.

Binaba kuna ang phone ko at napakurap na lang sa kisame.

Maaga kami bukas mga 8:30 ang flight namin through Cebu Pacific, direct flight to Siargao Island. Tumingin ako sa orasan at 11 o'clock na ng gabi. Pinikit ko ang aking mata ngunit hindi parin ako inaantok. Tumatakbo lahat sa akin ang mangyayare kung sakaling nandoon na kami.

First time ko rin sumakay ng eroplano kaya nakakakaba. Matutulog na lang ako sa byahe kung mapupuyat ako ngayong gabi at buti na lang nakapagbook na si Yakob ng tutuluyan namin pagdating namin sa Siargao Island. Kinuha ko na lang ang phone ko at nanood ng mga vlogs sa youtube. Madaling araw na siguro ako nakatulog, kung tulog man ang ginawa ko.

"Ready na ang lahat ng kukunin mo?"  Tanong ni Yakob sa akin at binaba ang gamit na dala ko. Pareho kaming nakasuot ng polo at shorts mgunit nakasuot ng shades si Yakob.

Flower and CigaretteWhere stories live. Discover now