Chapter 11

6.3K 266 12
                                    

Hindi kami nagpapansinan ni Luigi pagpasok namin sa room. Hindi rin ako makatingin sa kanya at magsasalita lang kami sa isa't isa kung magtatanungan kami tungkol sa plates.

Hindi ako sanay sa palagay na ito usually kasi si Luigi ang kakwetuhan ko sa room dahil mas matinong kausap kaysa kay Hannah kasi si Hannah kung hindi ka sasagutin, namimilosopo pa sayo.

"Ruler mo nga?" Kalabit sa akin ni Luigi at binigay ko lang sa kanya ang extra kung ruler.

"Salamat." Sabi nito at hindi na ulit kami nag-usap.

Bakit kasi bigla-bigla na lang siyang nagtapat sa akin? Hindi ako handa at hindi pa klaro ang lahat para sa kanya at sa akin.

Sumapit ang lunch at hindi sumabay si Luigi sa amin. Nakaramdam ako ng lungkot at mukhang iniiwasan niya ako dahil sa pangyayari. He was a good friend to me at namimiss ko ang asaran namin at pagtatalo tungkol sa mga bagay-bagay.

I need to settle this situation. Ayokong mawala si Luigi sa akin bilang kaibigan. Patawarin niya ako kung hindi ko pa masusuklian ang pag-ibig niya.

Madali namang mahalin si Luigi at crush ko naman siya ngunit parang hindi ko pa kaya or parang meron pang kulang sa akin para tanggapin ang puso niya. Kung sakali man na sinagot ko siya nung nagtapat siya sa akin siguro sasaktan lang namin ang isa't isa dahil hindi kami prepared kumbaga.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tinext si Luigi.

To: Luigi.

Usap tayo mamayang uwian sa rooftop sa may lumang building ng med.

Pumasok na kami sa panghapon na klase at wala parin kaming kibuan ni Luigi. Hindi ko alam kung natanggap ba niya ang message ko or hindi nasend sa kanya 'yun ngunit sure akong nasend ko ito. Sumapit ang uwian at unang lumabas si Luigi.

"May problema ba si Luigi, Cloy? Kanina pang hindi namamansin?" Tanong sa akin ni Hannah habang naglalakad kami sa hallway. Napansin na rin niya siguro ang pagiging cold ni Luigi.

"Hindi ko alam." Pagdadahilan ko dahil ayaw ko namang sabihin kay Hannah na nagtapat siya sa akin. Baka kung ano-ano na naman ang ipapayo niya.

"Sige una muna ako may pupuntahan pa kasi ako." Sabi ko at nagbeso na ako kay Hannah. Naglakad ako sa may likod dahil may shortcut doon papunta sa old med building. May bagong tayo kasing med facilities at 'yun na ang ginagamit nila at minsanan na lang nagagamit ang building na 'to. Tanaw ko na ang limang palapag na building at umakyat sa pinakataas na bahagi nito.

Luminga linga ako sa rooftop ng may nakita akong pigura ng taong nakatayo sa may dulo. Batay sa tayo niya at tindig walang pagkakaila na si Luigi' yun. Dahan dahan akung lumapit at kinalabit siya.

He turned his head to me and I smiled to him. Ngumiti rin siya pabalik.

"Galit ka?" Tanong ko sa kanya at pinunta ang kamay ko sa aking likod.

"Hindi." Maiksing sabi nito at tinanaw ang kapatagan na makikita sa building na 'yun.

"Sorry, hindi ko alam ang gagawin?" Ani ko at tumabi sa kanya.

"Ako dapat ang mag-sorry kasi nabigla kita." Kalmadong sabi niya at namulsa.

"We should be friends muna."

"Alam ko."

"Yung dati." Ngiti ko sa kanya.

"Are you willing to give me a chance, Cloy?" Tanong niya sa akin. Napaisip ako sa sinabi niya. Can I really give him a chance?

"I hope so. Tignan na lang natin."

Because we don't know what ahead of us. If ever I got fallen inlove to Luigi then I can accept his love to me and if ever that doesn't happen atleast I just not in prison him to me, thingking that loving each other will last forever.

Flower and CigaretteWhere stories live. Discover now