Chapter 34

5.3K 217 17
                                    

Ilang paggulong na ba ang ginawa ko sa aking kama at nang tumingin ako sa orasan ay madaling araw na pala ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Tumatakbo pa rin sa isip ko ang sinabi ni Yakob.

Tumayo ako at pumunta sa may veranda ng aking kuwarto. Tumukod ako sa railings habang nakatingin sa ilaw ng syudad at nagbuga ng malalim na hininga.

Hindi ko alam kung ano ang gustong i-pahiwatig ni Yakob. Nasasaktan siya dahil sa akin 'e 'di ba ikakasal na siya kay Natasha. Bakit pa niya sasabihin 'yun sa akin? Ako dapat yun magsabi na nasasaktan din naman ako. Sobra. Ewan sobrang nagugulohan ako sa mga nangyayare! Bakit kasi doon pa siya nagtrabaho 'e kilala naman siya sa ibang firm? Tahimik na ako 'e ngunit bakit nagpakita pa siya ulit.

Nasa ganon lang akong posisyon habang malalim na nag-iisip ng biglang tumunog ang doorbell ng paulit-ulit. Bigla akong kinabahan dahil madaling araw na ngunit may tao pa ring nagdodoorbell. Baka minumulto na ako? Kahit takot ay lumapit ako sa pintuan at sinilip kung sino ito.

"Anong ginagawa niya dito sa ganitong oras?" Tanong ko sa sarili ko dahil nakatayo ngayon sa labas si Yakob.

"Cloy!" Katok nito kaya binuksan ko na ang pinto, nakakahiya sa mga nakatira dito dahil baka maingayan sila dahil sa sigaw niya. Pagkita ko sa kanya alam kung lasing na ito dahil sa itsura niya. Magulo ang buhok at nakabukas na rin ang mga butones ng kanyang business attire.

"Anong ginagawa mo rito?" Diretsahang kung tanong. Ngumisi siya sa akin habang nakapikit ang mata nito.

"Sorry na." Malambing na saad nito at lumabi. "I'm sorry if I did something wrong again. Sorry kung galit ka na naman." Ani nito and he pat my head. Natameme ako sa sinabi niya tila naguilty tuloy ako sa pagsigaw ko kanina. Piniga ang puso ko dahil in the first place wala naman dapat siyang i-hingi ng tawad. Ako dapat 'yung nag sosorry sa kanya hindi siya.

"Lasing ka na." Ani ko at sumilip sa hallway ng building kung may tao."Umuwi ka na." Pagtaboy ko rito.

"Dito muna ako." Wika niya at tuluyang pumasok sa unit ko na pagewang-gewang. Humiga siya sa sofa at hindi na ako nakaangal pa dahil tinulak niya ako para makapasok siya. Lumapit ako sa kanya at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tinignan ko lang siyang nakahiga sa sofa.

"I'm sorry." Bulong niya ulit at hindi na siya umimik.

Napaupo na lang ako sa sahig at pinatong ang kamay ko sa kunting espasyo ng sofa habang nakatitig sa tulog nitong mukha.

"Sorry din." Wika ko at pinadaan ang mga daliri ko sa kanyang buhok.

"Sorry dahil sa akin nasasaktan ka. Sorry if I cause you so much trouble. You deserve better." Umiinit na naman ang mata ko dahil nagbabadya na namang pumatak ang aking mga luha.

"Sa tingin ko hanggang dito na lang talaga tayo. Yung pangako mung pamilya, mabubuo muna." Ngiti kung sabi at pumatak na nga ang aking luha at hinayaan ang bibig ko na sabihin ang gusto nitong sabihin tutal makakalimutan naman niya ang mga sinabi ko pagkagising niya.

"Matutupad muna 'yun ngunit hindi na ako ang kasama mo. Magpapakasal ka na Yakob." Pinahid ko ang luha sa akin mata dahil pinapalabo nito ang aking paningin tsaka ako mapaklang ngumiti sa kanya. "Wishing you the best at yung request mung design ng bahay ni Kasen. Sige na, ibibigay ko na sayo. Gagawa na lang ako ng bago para makaalis na ako sa paningin mo."

Tumayo na lang ako at kumuha ng kumot baka kasi lamigin ito. Hinalikan ko ang noo niya at bumulong sa kanyang tenga.

"Mahal kita kahit masakit."

Kinaunagahan, nagising ako na wala na si Yakob sa sofa at mukhang maagang umalis ito at hindi na ako inabala para gisingin pa. Naligo at nagpalit na lang ako at pumasok sa kompanya. Pagdating ko doon, kinuha ko agad yung sukat ng lote na pagtatayuan ng bahay para kahit papaano ay maisakto ang design ngunit hindi kay Yakob mismo ako pumunta kundi sa secretarya na lang nito at buti sinend niya sa email ko. Nahihiya ako o ewan na makita siya.

Flower and CigaretteWhere stories live. Discover now