Prologue

17K 494 28
                                    

"Here is the plan of the house," inabot ni Sir. Magdayo sa akin ang plano. He was the senior architect and head of the architecture department in this firm.

Kinuha ko ang folder sa ibabaw ng desk niya at tinignan kung may nabago ba sa design na ginawa ko ngunit kunting revision lang naman ang ginawa nila rito. Pinacorporate na rin ito sa engineering department para malaman kung approve ba ang skeletal system nito pati na rin sa kung anong engineering standards ang gagawin. This was a beach house of a politician, kaya medyo pinaglalaanan ng atensyon.

"You need to go to the site, para i-check na rin ito, and to meet the new head of engineering department," tumango lang ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Masyado naman yatang productive and head nila ngayon at nag-inspect agad sa mga site.

Oo nga pala, nagresign na si Eng. Claro dahil sa katandaan na rin. Lumabas na ako dala ang folder at bumaba sa parking lot ng building.

Maaga pa kaya walang pang traffic sa daan at papunta na ako sa beach house na ipapatayo sa Bataan at medyo malayo-layo ang byahe.

Nakarating ako doon medyo patanghali na at mainit na rin sa balat ang araw kaya nagsuot lang ako ng cap na white at sinuot ang shades ko bilang proteksyon sa sinag ng araw. 

Pinark ko lang ang sasakyan ko sa gilid ng daan 'tsaka lumabas na rin ako. Lumakad lang ako ng kunti at nakita ko na ang mga trabahador at ang lugar kung saan itatayo ang bahay. Nagsisimula na silang mag-hukay para sa pundasyon.

Nakita ko ang kulay asul na tent kaya dumiretso na ako doon. Marahil nandoon ang mga engineer at mga assistant architect. Nahirapan akong pumunta dahil na rin mabuhangin ang daan kaya paika-ika akong lumakad. Lumulubog din kasi ang paa ko sa buhangin. 

Pumasok ako sa tent at wala man lang akong nadatnan doon. Marahil kumain sila sa labas o hindi kaya'y may pinuntahan lang. Tatalikod na sana ako ngunit napaatras ako ng lakad dahil tumama ang ulo ko dahil sa may biglang pumasok. Parang nahilo pa yata ako sa impact ng pagbunggo namin kaya napahawak ako sa ulo ko.

When I looked at to that person, I was bump in, tila kumawala ang puso ko dahil sa biglaang pagbilis ng tibok nito at umagos ang nerbyos sa aking katawan para akong nakakita ng multo.

He glared at me intensively na parang hinuhukay ang aking kaluluwa at ang pabango nitong humahalik sa aking ilong na tila ba hinahanap ang mga ito. Ganon parin ang pabango niya. Nakakaadik at nakakabaliw.

"Nice to meet you Ar. Cloy Linel Martinez," magalang na sabi nito sa akin. Hindi ko napansin ang paglahad ng kanyang kamay dahil nakatingin lang ako sa kanyang mukha. He looked like a professional now sabagay engineer na siya at lalo yata siyang naging-guwapo.

"N-nice to meet you Eng. Yakob Alcuzar," aligaga kung sabi at tinanggap ang kanyang kamay. This was the very first time I held again his hand again since I left him. I felt a sudden bolt of electricity that rush into my skin. 

Hindi ako makapaniwala na nandito siya sa harapan ko. I'm not prepared to meet him this way. He was the man I devoted myself with. The man who I loved with all my heart and the man who broke me into pieces.

Flower and CigaretteWhere stories live. Discover now