Nagulat siya maging ang binata habang si Trevor ay nakahalukikip lamang akong pinagmasdan.
Lumapit sa akin si Trevor kaya napatingala ako sa kanya. I hate being a kid.. Ayaw ko na tinitingala ko ang Trevor na ito.
Hinawakan niya ako sa aking balikat at iginiya na palabas. Habang naglalakad ay di ko maiwasang mapasulyap sa batang babae. Nakatingin sa akin ang malalim at madilim nyang mga mata na namumungay sa kakaiyak. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin dahil sandali kong tinanggal ang telang nakabalot sa aking mukha at nginitian ang bata.
"Be strong.." I mumbled. Tama lamang para siya lang ang makaintindi.
Agad ko rin naman na binalik ang takip sa aking mukha bago pa man kami makalabas ni Trevor sa silid na iyon.
Hindi ko binalingan ang sino man sa Autotrophs na nasa labas lamang ng silid. Maging sila ay hindi na rin napansin ang paglabas namin.
Ngunit may nahagip ang aking pandinig sa ilang Autotrophs na nag-uusap sa isang sulok.
"Sigurado akong todas yang batang iyan kay Senior. Malaking tagumpay sa atin na nakuha natin ang anak ng Commander at magiting na keeper ng Solar."
Tumatak sa aking isipan ang narinig hanggang sa makabalik na kami sa silid-ensayuhan namin ni Torch Flower.
Anak ng Commander at magiting na Keeper ng Solar?
Dahil wala pa naman si Torch Flower dagil sigurado akong naghahanda siya sa pagdating ni Senior, at si Trevor naman ay may inasikaso muna saglit, naiwan ako sa silid na iyon. Nakalock na rin ang pinto at talagang sinisigurado ng akinv magaling na ama na hindi ako makalabas sa silid na iyon.
Nagkibit balikat na lamang ako at kinuha ang laptop ko.
Inalala ko ang lahat ng tinuro sa akin ni Master Torch Flower sa hacking at doon ko natagpuan ang pamilyang hinahanap ko..
Moran-Harris..
Ang nangungunang pamilya sa Solar.
Ayon sa narito, May tatlong anak si Sun Carmela Moran-Harris at si Dion Harris.. Isa na roon ay ang panganay na si Desire Carmela Harris at ang kambal na walang pangalan. Ang tanging natitira na lamang sa pamilyang ito ay ang mag-amang Desire at Dion samantalang walang kasiguraduhan kung buhay pa o patay na ang kambal at ang kanilang Ina na si Sun Carmela na mismong commander ng Solar.
Ibig sabihin ay ang batang babaeng nadakip nila ay walang iba kundi si Desire Carmela. Ang anak ng commander. Kaya pala espesyal ang pagkakadakip sa kanya.
"No more practice today." Nagulat ako sa biglang nagsalita at sumalubong sa akin ang babaeng nakacloak na pula.
"M-Master.."luluhod sana ako ngunit sinenyasan niya na akong lumapit sa kanya.
Nabigla na lamang ako ng ipinalahad niya sakin ang aking kamay kaya wala akong ibang nagawa kundi sundin siya. Inilapag niya sa aking mga palad ang isang kahon na alam ko na ang laman.
ESTÁS LEYENDO
Code: ICE (Code Series #1)
Misterio / Suspenso[COMPLETED] "MPWF JT OPU BO JDF UIBU DBO CF NFMUFE" ~ICE Numbers.. Symbols.. Codes.. That's what she always face everyday. Being a member of an organization who did so many crimes on their city isn't a joke. A hacker, and a spy. That's her mission...
Chapter 20: Warning
Comenzar desde el principio
