Si Bruno Edison, pangalawa sa apat na magkakapatid na Edison.
"Masusunod." Sagot sa kanya ng isang binata.
Umalis saglit si Bruno Edison sa silid habang ang mga gwardya ay rumonda sa paligid ng silid.
Ano bang meron sa bata na ito?
"Daddy.." hagulhol muli ng bata. Wala siyang ibang sinambit kundi ang kanyang ama.
"Bata.. tahan na." Alo sa kanya ng binata na hindi ko gaanong kilala. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil sa telang nakapulupot sa mukha nito. Ngunit nasisiguro kong hindi siya kabilang sa Autotrophs. Hindi ko alam kung ako lamang ang nakakapansin ngunit iba ang suot nyang cloak kaysa sa iba. The embroidered cactus on his green cloak is different.
"No! Stay away from me! You're bad!" Sigaw sa kanya ng bata.
"Listen to me you little rose, save your strength 'cause you'll need that later."
Tila iba ang ibig sabihin ng binata sa kanyang binitawan. Kung tutuosin, parang sinasabi niya lang na maghanda na ang bata para mamaya dahil sa pagdating ni Senior. Pero sa aking isipan, tila iba ang nakapaloob sa kanyang mensahe.
May magaganap na kakaiba mamaya..
Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko ng dumating ang isang lalaking kulay abo rin ang mata. Hindi siya kasing laki ng katawan ng isang Bruno Edison ngunit nanginginig pa rin ang kalamnan ko tuwing nakikita ko siya. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa galit at puot.
"Trevor.." I mumbled on my breathe.
Lumuhod ang mga gwardyang naroon ng makita nila si Trevor na nakasuot ng asul ng cloak, may mga burda iyong maliliit na bilog na tila mga mata ng isang halaman.
Stomata..
"All of you, get out of this room expept for that guy with that girl." Utos ni Trevor sa mga naroon. At dahil nakatataas, lumabas naman sila ng silid at naiwan ang binatang umaalo sa batang babae. Sumiksik ang batang babae sa likod ng binata, tila takot na takot kay Trevor.
Hindi ako mapakali.. bakit narito si Papa? Bakit narito si Trevor? Naroon dapat siya sa pinageensayuhan sakin ni Torch Flower! Bakit siya narito? Wag mong sabihing ako ang hinahanap niya?
Linibot ni Trevor ang kanyang paningin sa loob ng silid at tumigil iyon sa mismong kabinet kung na saan ako.
"Naamoy kita, batang paslit.. lumabas ka na dyan kung ayaw mong kaladkarin kita pabalik sa silid aralan niyo ng Master mo." May halong pagbabanta sa boses ni Trevor. Ayaw ko sanang lumabas ngunit alam kong alam niya na kung na saan ako.
Nakatago ang dalawa kong kamao sa aking likod habang mahigpit itong nakakuyom, lumabas ako sa aking pinagtataguan. Suot-suot ko ang cloak kong kulay asul at may burdang rosas na kulay asul rin. May tela rin na nakapulupot sa aking mukha para hindi ako mamukhaan ng batang babae.
YOU ARE READING
Code: ICE (Code Series #1)
Mystery / Thriller[COMPLETED] "MPWF JT OPU BO JDF UIBU DBO CF NFMUFE" ~ICE Numbers.. Symbols.. Codes.. That's what she always face everyday. Being a member of an organization who did so many crimes on their city isn't a joke. A hacker, and a spy. That's her mission...
Chapter 20: Warning
Start from the beginning
