Chapter 20: Warning

Mulai dari awal
                                        

"I'm glad that you found me.."

That's what Asy mumbled before she went into a deep sleep.

Binalik ko ang tingin kay Laynah at sinalubong ang kanyang nanlilisik na tingin.

"Why do you have to kill them, Laynah. I'm sure, this isn't Autotrophs will. And no one should have tried to copy me. Why do you have to do that?" Tanong ko.

"Why? Simple lamang Izen.. Para ipamukha sa Autotrophs na hindi ka dapat pinagkakatiwalaan. You are a traitor! You should be the one to be killed! You're always the warning signal, Blue Rose! But here I am trying to warn you that you're going die! Cause you deserve to die!"

Linabas niya ang isang blue rose petal at itinapon yun sa akin.

Sinundan ko naman ng tingin ang petal ng rosas na asul.

Die? Huh?
How many times do I have to say that I'm not scared of dying..

Humalukikip ako.

"Why do you hate me so much, Laynah? Wala akong ginagawang masama sayo? Why do you have to kill them?" I ask further.

Gigil na gigil na lumapit sa akin si Laynah habang nakatutok sa akin ang kanyang dagger.

"Then why do you have to kill him?!" Singhal niya sa akin na agad na kinakunot ng noo ko.

Kill him?

Ngumisi siya sa akin..

"I won't let you kill her, so I'll kill you instead.." she said. Nanlilisik niya akong tinitigan..

"I won't let you kill her, so I'll kill you instead.."

"I won't let you kill her, so I'll kill you instead.."

"I won't let you kill her, so I'll kill you instead.."

"Naaalala mo na ba, Izen? Kung ano ang ginawa mo kay Tito Bruno?!"

Napahigpit ang kapit ko sa aking dagger..

Remnants of the past hunts me again.

"Daddy!! Daddy!!" Rinig na rinig ko ang hagulhol ng isang bata. Malapit lamang ito sa aking kinaroroonan.

"Tumigil ka sa kakahagulhol dyan bata! Hindi darating ang Daddy mo!" Sigaw ng tagapagbantay.

"No! Daddy will save me!" Sigaw pabalik ng bata.

Sumilip ako sa silid kung saan ko naririnig ang ingay at doon, nakita ko ang isang bata na may kulay itim na buhok na umaalon at may maputing balat. Sigurado akong mula ito sa mayamang pamilya. Wala naman silang ibang nagiging biktima kundi ang mga anak ng mayayaman.

Pero napansin ko na iba ang pakikitungo sa bantang ito kaysa sa mga batang kinikidnap ng Autotrophs. Tila sobrang halaga ng batang ito. Mahigit tatlong araw na siyang naririto sa isang silid na kahit saan pumunta ay may gwardya.

Nagtago ako sa loob ng isang kabinet upang pagmasdan ang mga kinikilos nila.

Hindi man lang nila iginapos ang bata ngunit hindi pa rin makatakas dahil sobrang higpit ng bantay.

"Malapit ng dumating si Senior kaya ayusin niyo na ang batang iyan." Wika ng isang Autotrophs na kilalang kilala ko. Malaki ang kanyang pangangatawan at kulay abo ang mga mata. Makapal rin ang balbas niyang kulay itim na mas lalong nagbibigay takot sa kung sino man sa Autotrophs. Tulad ng ibang nakatataas sa Autotrophs, hindi niya kailangang takpan ang kanyang mukha dahil isa siyang Edison. Isa sa kilalang pamilya na kasapi ng Autotrophs.

Code: ICE (Code Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang