Taking the Risk

410 9 0
                                    

Via's POV

Magiisang linggo na ang panliligaw ni Jiro sa akin. Ang bilis nga eh. Akalain mo nakaya ko pala ang halos isang linggong ka-kornihan niya. At sa halos isang linggo niyang panliligaw ay hindi na mabilang ang kaniyang mga sorpresa. Amfufu nga eh! Ang galing niyang magpakilig. = ̄ω ̄=

Andito ako ngayon sa field as usual tumatambay. Vacant kasi eh. At usually kasi kapag Friday parang walang klase lang. Pati rin kasi ang mga prof tinatamad maglecture tuwing Friday.

At tuwing Friday afternoon, may gaganaping Gang Fight. Ang mga gang na nagaaral dito ay magaaway-away para sa Rank, ngunit sa school lang. Ang Top 5 ay hindi kasali sa Gang Fight ngunit sila ang magiging kalaban ng nangangahas na humamon para maging Top kahit sa school lang. Pssh. -____-

As of now, wala pa namang baliw na gang ang humahamon sa amin.

"My laaaaabs!" Sigaw ng linta. Kilala niyo naman siguro kung sino siya.

"Kung saan-saan na kita hinanap andito ka lang pala. Hindi ka man lang nag GM sa akin."  Nakapout at hinihingal na sabi ni Jiro.

"Ano na naman ba ang kailangan mo?"  Cold kong tanong.

"Wala lang miss lang kita."  Nakangisi niyang sagot.

Miss?! Eh halos magiisang oras pa lang kami hindi nagkita ah. -____-

"Tch."  Yan na lang ang nasagot ko.

"Ah nga pala. May naghamon sa amin sa Gang Fight kaya di matutuloy date natin. Sorry my labs."  Malungkot niyang sabi.

Dapat kasi may date kami mamaya kapag walang nanghamon sa amin sa Gang Fight. Pero dahil nga merong nanghamon sa kanila, eh di CANCELLED. Psh. Peste. ~____~

"Ayos lang."  Sagot ko.

"Talunin mo sila ah."  Dugtong ko.

"Oo naman. Hindi madaling matalo ang Top 3 nuh. At syempre para sayo.

"Wag ka masyadong magpakampante Gonzales."  Seryoso kong sabi.

"Oo na my labs."  Nakapout na sagot niya.

**

Pagkatapos ng klase ay dumiretso na kami sa underground ng school kung saan gaganapin ang Gang Fight. Kasama ko ngayon ang buong Vindictive Royalty Gang. Wala kaming laban ngayon kaya nandito kami sa parang VIP part ng underground, sa itaas kami at kita mula dito ang buong sakop ng underground at syempre ang fighting ground.

"My labs! Wala man lang kiss jan?"  Nakapout na NAMAN na sabi ni Jiro.

Psh. Panuh kasi sila na ang lalaban.

"Kiss mo mukha mo!"  Sabi ko sabay layo ng mukha niya sa mukha ko.

Teka. Sino pala ang kalaban nila? o.O

"Sino nga pala ang kalaban niyo?"  Tanong ko sa Mighty Eight.

"Ang Labyrinth Gang."  Sagot ng kambal.

Psh. Ang Laby--. Teka Labyrinth Gang?! Sh*t! Bakit parang bigla akong kinabahan. Kung tutuusin kayang-kaya nilang walo ang 25 katao na miyembro ng LG. Pero iba eh! Parang may hindi magandang pangyayari.

Aish! Napa-paranoid lang siguro ako. Haay. -____-

Bago umalis si Jiro ay hinigit ko siya at binulungan.

"Mag-ingat ka ah."  Seryoso kong sabi saka hinalikan siya sa pisngi.

O_____O

ANO ANG GINAWA KO?! T____T

The Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now