Training...

332 10 0
                                    

Via's POV

Kasalukuyan kaming nakasakay sa aming bus. Actually, last week ko pa na order ang bus na to ngayon lang na deliver at nakuha ang lisinsya.

"Via."  Tawag sa akin ni Rafael na nasa kabilang side ng bus.

Katabi ko ngayon si Jiro pero tulog siya eh. Tss. -___-

"Bakit?"  Tanong ko.

"Bakit bigla mong napagpasyahan na mag-training? Monday pa naman."  Sagot niya.

Tss. Bakit nga ba? Dahil gusto kong maging handa silang lahat as soon as possible.

"Malapit na ang gang war eh."  Simple kong sagot.

Nagshrug naman siya saka umayos ng upo at dumungaw sa bintana.

Matapos ang halos 30 minutes na biyahe ay nakarating na kami sa aming headquarters. Agad ko namang ginising si Jiro na mahimbing na natutulog.

"Jiro. Gising."  Saad ko saka niyuyugyog siya.

Mabuti naman at hindi siya mahirap gisingin dahil agad na naimulat niya ang kaniyang mata saka ngumiti sakin. →_→

"Napakaganda ng gising ko dahil ikaw kaagad ang nakita ko. ∩__∩"  Nakangiti niyang sabi.

Tss. Bumabanat na naman siya.

"Che! Tayo na!"  Saad ko saka hinila siya patayo.

Nakahantay naman ang iba sa labas ng bus.

Minsan lang kami pumupunta sa headquarters. Pumupunta lang kami kapag bored o di kaya may matindi kaming laban.

"Waaah! It's nice to be back!"  Sabay na sigaw nina Lyza at Belle.

Nakangiti naman ang mga prinsipe.

"Pumasok na tayo. Excited na akong makita kung ano ang nasa loob eh. ^o^"  Masiglang sabi ni Louie.

Nauna akong naglakad nasa likuran ko naman si Jiro.

May password ang aming HQ at tanging ang VRG lang ang nakakaalam kung ano iyon kaya hindi madaling pasukin ang aming headquarters.

Nang bumukas na ang HQ ay agad na nagsitakbuhan ang VRG sa kani-kanilang favorite training ground. May shooting ground at may ring din kami para sa boxing. May malawak din na space for other trainings like sa pag-gamit ng armas. Ang mga weapons and tools na ginagamit namin sa training ay nakatago sa isang special bolt. Sari-saring baril,daggers,swords,combat knives at marami pang iba.

"WOW! \(^。^)/" Manghang sigaw ng M8.

Hindi naman ganun ka bongga ang HQ namin pero sadyang malaki lang ito at well furnished.

"Sige magsi-bihis na kayo. Guys, paki-bigyan ng pamalit ang Mighty Eight."  Wika ko.

Meron din kasi ditong room na ang tanging laman ay mga damit na ginagamit namin tuwing training. Kumuha na din ako ng aking damit simpleng white fitted shirt at shorts lang ang kinuha ko saka nagbihis sa aking kwarto. Well, may kwarto ako dito. Dahil minsan kapag trip ko dito na ako natutulog after trainings.

Pagkatapos kung magbihis ay agad akong lumabas. Haaay. Sorry but I really need to turn my ice mode on. Kailangan kong maging strict sa kanila ngayon.

Hindi parin sila tapos. Tss. Agad kong kinuha ang whistle ko saka hinipan yun ng napakalakas. At isa lang ang ibig sabihin nun, ang pumunta sa kinaroroonan ko as soon as possible kung ayaw mong maparusahan.

Agad naman nagsitakbuhan ang VRG palapit sa kinatatayuan ko,nasa gitna lang naman ako ng aming quarters. Ang ibang M8 ay nagsitakbuhan na din kahit halatang nagtataka.

The Gangster Love StoryOù les histoires vivent. Découvrez maintenant