Exploring Y.U.

429 12 0
                                    

Via's POV

Naglalakad na kami papasok ng school. Marami ang nakatingin sa amin. Marami din ang nagbubulungan. Kumpol-kumpol sila, bale gang by gang. Mix ang university na ito, merong low-class gangs, yung hindi gaano ka sikat at mga gangs sa kanto na afford mag bayad ng tuition dito at syempre ang mga high-class gangs yung mga gangsters na hindi mo aakalaing mga gangsters. Habang nililibot ko ang mata ko nahagip ng mata ko ang Top 5 gang ang Phyton Gang. Nandito din ang Top 4 ang Skull Gang. Hmm. Hindi ko pa nakikita ang Mighty Eight sila kasi ang Top 3. Haay. Andito kaya ang Top 1? Ang Black Aura Gang? Sana wala. Dahil hindi pa ako handang makita siya. =____=

"Sila ba yung Vindictive Royalty Gang?" - unknown guy #1

"Ewan. Pero siguro. Naka mask eh. Mysterious gang nga diba?" - unknown guy #2

"Baka nga VRG yan. Parang malalakas kung tingnan eh. Pero mga pare hanep! Ang se-sexy ng mga babae nila. Witwew." - unknown guy #3

Aba bastos to ah! Sarap upakan! Tss. Nakita ko na lang na ang sama ng tingin ng mga prinsipe sa lalaking sumipol kanina. Aish. Mabuti naman at nakapagtimpi pa sila dahil kung hindi first day palang gulo na kaagad. -____-++

"Andito na tayo." Saad ni Mr. Yu sabay bukas ng pinto ng isang room. Nasa 3rd floor ito. At wow. Ang ganda.

"Thank you po." Pagpapasalamat ko.

"Dito muna kayo ha. Explore your private room. Ito pala ang susi niyo. Babalikan ko na lang kayo pag nakuha ko na ang schedules niyo." Lumabas na si Tito at isinara ang pinto kaya kami na lang dito sa loob.

"Pwede niyo ng hubarin ang mask niyo." Wika ko.

Naglibot-libot na kami sa room. Malaki siya parang isang condo unit na rin. Black and white ang kulay nito, may flatscreen TV, may X-Box, may malaking fridge at mahabang dining table. May kitchen din at may dalawang kwarto at syempre may restroom din.

"So guys, okey na ba to sa inyo?" Tanong ko sa kanila.

"Okey na okey!" Sabay nilang sagot.

College life would be amazing with this guys. ^___^

"Teka! May na notice ako!" Sigaw ni Dave.

"Ano? o.O" takang tanong ni Steven.

"Parang hindi masyadong cold si Ice!" -Dave

"Oo nga!" Sagot ng VRG at nag apir. Ay tae. =_____=

"Ngayong lang to. Tss. -___-" sagot ko. =3=

*knock.knock*

"Uy ang mga mask niyo!" Sigaw ko.

Kaya dali dali namin itong sinuot. Pagkatapos kong maisuot ang maskara ko ay binuksan ko na ang pinto.

"Pamangkin ito na ang mga scheds niyo. At mag sta-start na pala ang program within 5 minutes." Saad ni Tito sabay abot ng isang brown envelope.

"Ah sige okey po. Thanks." Sagot ko sabay sirado ng pinto.

Binuksan ko na ang brown envelope may 10 piraso ng bondpaper at ito ang mga schedule namin. Pinamigay ko na sa kanila ang kanilang schedule. And thank goodness, kahit iba-iba kami ng course ay merong subject na magkakasama kaming lahat. Pero strong talaga ang bond namin ni Rafael blockmates talaga kami sa LAHAT ng subjects. =3=

"Waah! BFF talaga tayo Lyzie! Magkakasama tayo sa lahat ng subjects! ^____^" masiglang sabi ni Belle.

"Kyaaah! Oo nga! Apir! (^o^)/" dugtong ni Lyza at nag apir pa sila. B-A-L-I-W ! -____-

"Pano ba yan. Destiny talaga tayo Via. *winks*" Ampotek. Spell feeler! R-A-F-A-E-L ! =_____=++

"Shatap! -___-" Sagot ko.

The Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now