Via's Tears

332 6 0
                                    

Via's POV

Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko. Lalong-lalo na ng makita ko ang duguan at walang malay na Jiro na nakahiga sa gitna ng daan.

"Sh*t. Jiro!" Sigaw ko saka nilapitan siya.

Humihinga pa ito.

"Belle! Tumawag ka ng tulong! Dali!" Utos ko.

Agad namang kinuha ni Belle ang kaniyang cellphone saka nag dial. Ganun din ang ginagawa ni Lyza.

"Jiro. Please hold on." Mahina kong sabi.

Sh*t sh*t sh*t! Sinong p*tangina ang gumawa nito. Aish! Pagnakilala ko siya, tiyak ako mismo ang kikitil sa kaniyang buhay. F*ck that a*shole.

"Vi-Via." Nagulat ako dahil biglang nagsalita si Jiro.

"Ssh. Jiro. Wag ka munang magsalita. Please. But please. Live." Maiyak-iyak kong sabi.

"I will Via. I will. Papakasalan pa kita." Nakangiti nitong sagot.

Kaya hindi ko na napigilan pang kumalawa ang aking mga luha. Nag-uunahang nagsipatakan ang mga luha na kanina ko pang pinipigilan sa pagpatak. Aish. Jiro.

Napapikit na lang ako habang umiiyak. Nagulat na lang ako na may pumapahid na sa mga luha ko.

"Baby, don't cry. Hindi pa ako patay. At hinding-hindi ako mamamatay." Nakangiting sabi nito habang pinapahid ang aking luha.

Pinahid ko na din ang aking mga luha saka ngumiti sa kaniya. Ngumiti din siya. Ngunit nagulat ako dahil biglang nalanta ang kaniyang kamay na parang gulay.

"Jiro! Uy Jiro!" Sigaw ko habang tinatapik-tapik ang kaniyang pisngi.

Agad kong tiningnan ang kaniyang pulso. Haay. Salamat buhay pa siya.

*Brooooom*

Unti-unting nagsidatingan ang mga sasakyan. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Kaba dahil tiyak na ako ang sisihin nila sa nangyari kay Jiro. Pero totoo naman eh. Kung hindi dahil sakin hindi ito mangyayari. Aish.

"F*ck! Jiro!"

"Sh*t!"

"Boss!"

"Jiro!"

Sari't saring sigaw ng buong Mighty Eight pagkababa na pagkababa nila sa kanikanilang sasakyan at motor.

"Anong ginawa mo ha?! Paano nangyari to?!" Sigaw sakin ng kuya ni Jiro. Si Jerson.

"Wa-wala akong alam." Maiyak-iyak kong sagot.

Tinabig niya lang ako at kinuha si Jiro saka sinakay sa kaniyang sasakyan.

"Pasensya kana Via ha." Mahinang sabi ni Kyle.

"Kami na lang ang magso-sorry sa ginawa ni Jerson." Dugtong naman ni Rico.

Tumango na lang ako. Mabilis silang lumaho sa aking paningin. Umalis na sila para madala si Jiro sa ospital. Haay.

"Vi. Ayos ka lang?" Malungkot na tanong ni Belle.

Aish! Malamang hindi! Haay. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa gumawa nito kay Jiro. Mamamatay talaga siya sa aking mga kamay.

Teka. Posible kaya ang Labyrinth Gang ang gumawa nito?! P*tangina! Maaari nga!

Hindi ko na sinagot pa si Belle dahil agad akong sumakay sa aking motor at agad itong pinaharurot. Magbabayad kayo LG!

Lyza's POV

Nagulat kami sa inasal ni Via kanina. Unang-una, umiyak siya. Pangalawa, hinayaan niya lang ang ginawa ni Jerson sa kaniya. Pangatlo, bigla na lang siyang umalis at hindi niya pa sinagot si Belle.

Haay. Ngayon ko lang nakita si Via na ganun. Kahit noong sila ni Lee. NEVER kong nakita nagkaganun si Via.

OMO!

Is Via already inlove with Jiro?

Posible nga. Hehehe. Naks naman. Ang aming Ice Princess luma-lovelife na. Hehe. ^o^

LG(Labyrinth Gang) Leader's POV

*Kriiiing*

"Boss may tumatawag sa cellphone mo!" Sigaw ni Zic.

Naglalaro kami ngayon ng Posoy Dos. Kinuha ko naman ang cellphone ko sa mesa. Nandito kami ngayon sa aming headquarters. Psh. Sino naman kayang Poncio Pilato ang nang-iistorbo sa paglalaro ko?

"SINO KA--" Naputol ang pagsigaw ko sa kabilang linya dahil bigla itong nagsalita.

"Ice princess."

"Hehe. Prinsesa anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Mahinahon kong sabi.

"Pumunta KAYO ngayon dito sa park. Ibibigay ko ang inyong premyo." Sagot nito.

Ayos ! Hahaha. Ano kaya ang aming premyo?

*toot.toot.toot.*

Ay langya. Pinatay kaagad. Pssh.

"Uuy! Kayong lahat! Aalis tayo! Ibibigay daw ni Ice Princess ang premyo natin. Hahaha." Wika ko.

Agad kaming lumabas sa headquarters at umarangkada papuntang park.

*broooom*

The Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now