Black Aura Gang

482 12 0
                                    

[ Continuation po ito ng update ko kagabi. :3 ]

Via's POV

Ano ngayon ang gagawin mo Gonzales? Ngayong alam mo na ang totoo, na si Ice Princess na mortal mong kaaway at si Via Dania Cruz na babaeng gusto mo ay iisa. Dalawa lang naman ang maaaring mangyari: kalimutang gusto niya ako o kalimutang mortal niya akong kaaway. Haay. -____-

"I know hindi parin kayo maka GET OVER sa malaking rebelasyong naganap. Pero kailangan na nating magpatuloy sa susunod na gang." -Babaeng MC.

Aish. Ito na. Andito kaya siya? Nakabalik na kaya ang lalaking yun? Sana naman wala siya dito dahil ayaw kong makita ang pagmumukha niya.

"And now let's welcome, this town's Top 1 gang, Black Aura Gang! A round of applause!" -Lalaking MC

*dugdug.dugdug*

Sana wala siya. Sana.

"Vi wag kang magalala, andito ako." Pabulong at nakangiting sabi ni Rafael.

Siya kasi ang aking 'shoulder to cry on' nung iniwan niya ako. Aish. F*ck! Ayaw ko nang isipin pa ang bwesit na lalaking yun at ang lintek na ginawa niya sakin!

"Thanks." Mapait at walang gana kong sagot. Haay.

"Black Aura Gang is composed of six members. Let's start from Rank 6, Kevin Palma. Rank 5, Zander Delos Santos. Rank 4, Droy Zamora. Rank 3, Yashite Kamazu. Rank 2, Kaizer Choi. Their gang leader is unfortunately their gang leader is not here. But he is Nick Lee!" -Babaeng MC.

Hoo. Mabuti wala siya. Pero, aish! Narinig ko na naman ang pangalan niya! -____-++  Kung nagtataka kayo kung sino siya, siya lang naman ang hayop kong EX. Oo, may lintek na EX ako! Tss. Hindi sana magiging 'EX' kung hindi niya lang ako iniwanan sa ere! =_____=++

Kitang-kita ko naman ang pag-aalala ng mga gangmates ko siguro dahil napansin nilang nakasimangot ako.

"Let's give a big big hand for the Top 5 gangs of the town!!" Sabay na sabi ng dalawang MC.

*clap.clap.clap*

Pagkatapos ng pagpapakilala sa amin ay nag proceed na kami sa Room ng klase namin. Sa unang subject ko ay kasama ko sina Reynold, Justin at ang aking magiging 'buddy' si Rafael. Pagpasok namin sa room ay pinagtitinginan at bulong-bulungan kaagad kami.

"Diba sila yung Vindictive Royalty Gang? Grabe apat talaga sa kanila kaklase natin ngayon ah. Kasama na dun ang leader nila."

"Grabe. Ang cool talagang tingnan ni Ice Princess. May boyfriend kaya siya?"

"Teka diba si Ice Princess ang EX girlfriend ni Nick ang leader ng Black Aura?"

"Talaga?"

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig ko, tiningnan ko ng masama ang lalaking nagsalita kanina kaya napaupo siya ng maayos at umiwas ng tingin. Amp*ta! Aish. Bat alam nila?! Tsk. Mga tsismoso. =____=++

"Dun tayo sa bandang likod umupo." Pagyayaya samin ni Justin.

"Sige ayos yan! Makakatulog ako." Nakangising sagot ni Reynold.

Sumunod na lang kami ni Rafael sa kanila. Sa malapit sa bintana ako umupo. Katabi ko si Rafael. Tapos sunod ay si Reynod then Justin.

Parang ganito:  Justin-Reynold-Rafael-Me |Window|

"Kyaaaaaaaah~!"

"Waaaaah~!"

"Kyaaaah~!"

Ay tae! Ang iingay ng mga babae sa corridor. Tsk. May artista ba?! =___=

"Tss. Mighty Eight." Naiinis na sabi ni Rafael.

Kaya napatingin ako sa pinto at anak ng tipaklong andito nga sila. Hindi kumpleto pero nandito ang nakakabwesit na lalaking linta, si Jiro Gonzales. =_____=++

The Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now