Banat ng mga Prinsipe

619 13 4
                                    

◆ SPECIAL CHAPTER ◆

Sabado ng hapon. Nagtitipon ngayon ang Vindictive Eighteen sa sala ng kanilang headquarters. Kakatapos lang nilang magsanay kahit na wala naman silang labang inaasahan ngayon, nakasanayan lang talaga nila ito na para bang ito na ang kanilang exercise.

*ding.dong*

"Uy! Ang mga kasintahan niyo na yan!"  Nakangising sabi ni Justin habang pataas-baba pa ang kaniyang kilay.

Nagpaunahan naman sa pagbukas ng pinto sina Steven,Ian,Kyle at Rico. Natatawa naman ang iba sa inasal nilang apat. Ang "Royal Couple" naman ay parang asukal na sa sobrang ka-sweetan. Ang mga single naman ay nga-nga lang sa kanilang upuan. De joke. Dinadala na lang nila sa pagkain ang bitterness na nararamdaman. Hahaha.

"Hello~!"  Bati nina Karen at Jusyl.

"Hi~!"  Bati naman nina Kim at Daniela.

Nakatayo naman sa kani-kanilang gilid ng kanilang mga kasintahan. Ngumiti na lang bilang sagot ang mga prinsipe.

"Hello girls~!"  Masiglang bati naman nina Belle at Lyza.

"Upo kayo girls."  Nakangiting sabi ni Via.

Nagsi-upo na sila sa sofa. Mabuti na lang mahaba at marami ang upuan sa sala kaya nagkasya silang lahat. Masaya silang nagkwentuhan habang kumakain. Paiba-iba ang topiko na kanilang pinag-uusapan. Minsan tungkol sa kanilang pag-aaral, sa kanilang pamilya, sa kanilang lovelife at kahit ang kanilang "most embarrassing moment". Hanggang sa maisipan ni Jiro na mag-alay ng pick-up line para kay Via.

"Prinsesa ko."  Pantatawag pansin ni Jiro.

"Bakit prinsipe ko?"  Nagtatakang tanong naman ni Via.

"Google ka ba?"  Pag-uumpisa ni Jiro ng may ngiting-aso.

"Bakit?"  Tanong ni Via habang nakataas ang isang kilay.

"Lahat kasi ng hinahanap ko, sa iyo ko natagpuan eh."  Nakangiting niyang sagot habang pataas-baba ang dalawa niyang kilay.

Magkasabay na nagsi-ubohan ang mga kalalakihan sa sinabi ni Jiro habang nangingisay naman sa kilig ang mga kababaihan habang tumitili pa. At si Via naman, natahimik at natulala habang namumula ang kaniyang pisngi.

"I love you prinsesa ko."  Nakangiting sabi ni Jiro.

"I love you too prinsipe ko."  Nahihiyang sagot naman ni Via.

"Aba. Bumabanat si boss! Oh lahat ng may jowa! Bumanat din kayo!"  Natatawang sabi ni Louie habang tinatapik ang balikat ni Jiro.

Napako ang lahat ng mga mata kina Ian,Steven,Kyle at Rico. Nagkaroon ng mahabang katahimikan hanggang sa magsalita na din ang isa sa kanila.

"Pag wala ka Daniela, ang buhay ko parang lapis na hindi pa natatasahan."  Nakangiting wika ni Ian.

"Bakit naman?"  Nakapout na tanong ni Daniela.

"Dahil ang buhay ko pagwala ka ay,POINTLESS."  Diniin pa ni Ian ang pagkakasabi ng huling salita.

Pagkatapos ay nag-ngitian silang dalawa sa isa't-isa. Bumaling na ngayon ang tingin sa tatlong natitira.

"Kim, maglaro tayo ng kahit ano, wag lang taguan.Pag-uumpisa ni Steven ng kaniyang banat.

"Huh? Bakit naman my labs?"  Parang bata na tanong ni Kim.

"Kasi love, a girl like you is hard to find."  Sagot ni Steven sabay wink sa girlfriend.

Nahampas naman ni Kim ang braso ni Steven dahil sa kilig.

The Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now