First Game Part 2

294 9 0
                                    


Jiro's POV

Pagkababa na pagkababa ni Lyza ng telang hawak niya ay agad kong pinaharurot ang aking sasakyan at ganun din ang ginawa ni Rafael pero mas nauna ako sa kaniya. Agad akong lumiko sa kaliwa si Rafael naman sa kanan. Agad kong inaccelerate ang aking takbo. Kailangan mabilis ako dahil hindi ko alam kung nasaan na siya dahil magkaiba kami ng daan.

Parang nasa isang daan ako sa gitna ng gubat. Napakadilim. Sementado ang daan kaya lalo kung binilisan ang takbo ko.

Rafael's POV

Kasalukuyan akong dumadaan sa isang madilim at tahimik na daan na parang matatagpuan sa gitna ng gubat. Kaya mas lalo kung binilisan ang takbo ko dahil masama ang kutob ko dito. Parang may kakaibang mangyayari. Aish! Napa-paranoid lang siguro ako. =3=

Via's POV

Pinapanood namin ngayon sa laptop ang lokasyon ng sasakyan nina Rafael at Jiro.

Pinalagyan ko ito ng mga trackers ng hindi nila nahahalata. Para agad kong ma-warningan ang Labyrinth Gang na parating na sila para maisagawa ang plano namin.

"Via~! Kyaah~! Si papa Jiro oh~! Malapit na!" Kinikilig na sabi ni Lyza.

Crush niya siguro to si Jiro. Edi sa kaniya nalang. Para wala ng competition. -___-

"Belle, tawagan mo na ang LG." utos ko kay Belle.

Agad namang tinawagan ni Belle ang mga miyembro ng LG na naka pwesto sa dinadaanan ni Jiro. Syet. Sana pala hidden camera na lang ang pinalagay ko para makita ko ang mga nangyayari. =3=

3rd Person's POV

Pagkatapos matawagan ni Belle ang mga miyembro ng Labyrinth Gang ay agad na pumwesto ito sa ibabaw ng puno at sa likod ng mga matataas na damo.

"PARATING NA SIYA!" Sigaw ng isang miyembro ng LG na nasa ibabaw ng puno.

Agad ni kinalsa ng LG ang kani-kanilang baril. At agad pinaputukan ang gulong ng sasakyan ni Jiro.

"F*ck! Sh*t! The hell!" Sigaw ni Jiro habang binabaril ang kaniyang sasakyan.

Pa ekis-ekis na ang kaniyang sasakyan kaya agad itong pumreno para hindi ma bangga sa puno. Galit at inis ang nararamdaman ngayon ni Jiro.

"F*ck!" Mura niya ng makita ang brandnew niyang sasakyan na ngayon ay puno na ng butas dahil sa bala ng baril.

Agad siyang napatingin sa paligid at may nakita siyang mga anino sa likod ng matataas na damo.

"LECHE KAYO! LUMABAS KAYO DIYAN! P*TA!" galit na sigaw ni Jiro sa mga di-kilalang bumaril sa kaniyang sasakyan.

Na sindak naman ang mga miyembro ng LG sa sigaw ni Jiro. Parang gusto na lang nilang tumakbo at tumakas pero si Ice Princess naman ng Vindictive Royalty Gang ang tatapos sa kanila. Kaya kahit na takot na takot sila ay lumabas na lang sila sa kanilang pinagtataguan. Mano-mano ang labanan nila dahil hindi sila pinayagang gumamit ng anong armas maliban sa baril. Ngunit ang bawat baril ay may dalawang bala lamang. At ito'y para sa kotse lamang.

"Mabuti naman at lumabas na kayo! Ano ba ang problema niyo ha?!" Galit na sigaw ni Jiro sabay amba ng suntok.

Nagsisugod nadin ang LG kay Jiro. At naganap ang labanan.

"Teka! Bat antagal naman ni Rafael?" Takang tanong ni Belle.

"Nakuu~! Oo nga! OM! Tumigil siya! Sh*t anong nangyari?!" Takang tanong naman ni Lyza.

Nagulat din si Via sa kaniyang nakikita sa screen ng laptop. Tumigil nga ang kaniyang sasakyan sa gitna ng daan sa gubat at napakamalayo pa ito sa kinaroroonan ng nakabantay na miyembro ng LG.

"F*ck! Stay here! I'll go there!" Galit na sabi ni Via.

"No Vi! Ang LG ang papalapitin natin kay Rafael. Just relax. Everything is fine." Mahinahong sabi ni Belle.

Napapayag naman ni Belle si Via. Kaya bumalik sa pagkakaupo si Via at tinutukan ang sasakyan ni Rafael.

Sana naman ayos nga siya, saad ni Via sa kaniyang isip.

"F*ck! Sinong g*go ang bumutas sa gulong ko?!" Galit na singhal ni Rafael.

"SH*T! PANO NA TO?!" sigaw ni Rafael sabay sipa sa butas na gulong ng kaniyang sasakyan.

Papaalis pa lang ang miyembro ng LG na nakabantay kay Rafael sa kanilang pwesto. Ginamit nila ang reserbang sasakyan para makapunta kung saan tumigil si Rafael.

"Pare! Bilisan daw natin!" Sabi ni Jack na miyembro ng LG.

Kaya binilisan nila ang kanilang takbo.

*broooooom*

Someone's POV

Too bad for you Rafael Red Rodriguez for being my first target. Bwahahaha. >:D

Jiro Kent Gonzales, just wait for your turn. *smirk*

Coz Dania is all mine! Mine alone! *evilsmile*

The Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now