First L.Q.(?)

412 9 0
                                    

Via's POV

Now that he's back, what should I do? I'm not yet ready for this. *sigh*

Hindi pa tapos ang plano ko. Hindi pa sila handa. And it takes time para maging handa sila, ang aking plano.

And now that he's back, sooner or later the war will start. Babaha na naman ng dugo. At gagawin ko ang lahat para mapasama ang dugo ng pesteng Lee na yun at ng gang niya sa mga dugong aagos at dadanak sa darating na gang war. Dahil ngayon, kami ng Vindictive Royalty Gang ang mananaig but with the help of the Mighty Eight. *smirk*

♪♪ Ayoo GG~! ♪♪

Psh. Sino na naman kaya ang tumatawag na to?

Pagtingin ko sa screen ng cellphone ko ay pangalan ni Rafael ang naka-appear.

"Oh?"  Pambubungad kong sagot sa tawag niya.

"Pumunta ka ngayon Via sa ating private room. Andito kaming lahat."  Sagot niya saka binaba ang tawag.

Kinuha ko naman ang bag ko at pinagpagan ang pants ko. Nandito kasi ako sa field. Matapos ang eksena kanina sa room ay nawalan ako ng ganang pumasok sa klase kaya nag cutting ako at tumambay sa field.

Naglakad na ako papuntang private room. Sumakay ako sa elevator dahil nasa 3rd floor pa ang private room. At kung minamalas ka pa talaga saktong palabas ang Black Aura Gang. Tss. Hindi ako nagpahalata na nakita ko sila. Poker face pa din ako habang hinihintay silang lumabas.

Nakita ko ang pagsenyas ni Nick sa mga kasamahan niya na tila sinasabing mauna na lang sila. Lumabas na ang ibang BAG at nagpaiwan si Nick. Pumasok na ako sa elevator. Iniisip ko na lang na wala siya dito, na hindi ko siya kasama.

"Dania."  Mahina niyang tawag.

Hindi ko siya kinibo sa halip ay sinaksak ko ang earphones ko sa aking tenga. Finull volume ko ang music para hindi ko marinig ang boses niya. Siniksik ko din ang sarili ko sa gilid. Pero sa isang iglap mabilis pa sa isang kislap mata kinuha niya ang earphones ko saka kinorner ako gamit ang kaniyang dalawang kamay sa iisang gilid ng elevator. May pinindot siya sa elevator kaya tumigil ito.

Tiningnan ko siya sa mata in a cold way.

"Bakit ang lamig ng tingin mo sakin? Why are you being cold Dania? Look, I'm very sorry Dania. Please forgive me my queen."  Madadama mo sa boses niya ang sincerity at makikita mo sa kaniyang mata kung gaano siya nasasaktan at nagsisisi sa ginawa niya.

Napabuntong hininga naman ako. Tinabig ko ang kaniyang kamay.

"Stop this Nick. Move on."  Cold kong sabi.

Tumawa naman siya. Isang mapaklang tawa.

"Move on? Paano mo yan nasabi Dania? Alam ko at alam mong hindi kapa tuluyang nakakamove-on sakin."  Nakangisi niyang sabi.

And that hits me! Nakamove-on na nga ba ako?

"Oo naman! Ang dali mo ngang kalimutan eh! Madaling kalimutan ang tulad mo Nick. Ang mga lalaking nangiiwan sa ere."  Sagot ko sa kaniya ng nakasmirk.

"Really? Eh kung gawin ko kaya to."  Bigla niyang nilapit ang mukha niya sakin.

Akala niya apektado ako sa kaniya? Psh. Asa. Mas nilapit niya pa ang mukha niya sakin mga 2 inches na lang ang pagitan.

Nakatingin lang ako sa kaniyang mata. Nilibot ko din ang aking mata sa kabuuan ng kaniyang mukha.

Wala parin pinagbago. Ganun parin. Pero mas naging manly lang siya tingnan ngayon saka medyo pumuti siya. Ang tangos talaga ng ilong niya. Ang mata niya na nang-aakit. Ang jaw line niya na nagpapadagdag sa kaniyang manliness. Ang maninipis at mapupula niyang labi. Oh how I missed those lips.

The Gangster Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon