Memories

334 10 1
                                    

Third Person's POV

Ito na ang araw na aalis na si Via sa ospital matapos magamot ang mga sugat na natamo niya sa aksidente at makapagpahinga ng isang araw. Buong Vindictive Royalty Gang ang sumundo kay Via. Malakas at maayos na ngayon ang pakiramdam ni Via pero tila may kulang pa at ito ang kaniyang alaala. Hanggang ngayon gumugulo pa rin sa kaniyang isipan ang sinabi ng kaniyang ina na boyfriend niya. Hindi niya alam kung binibiro lang ba siya ng kaniyang ina o totoong may boyfriend siya. Pero kung totoo ngang meron siyang boyfriend, bakit hindi ito nagpapakita? Bakit hindi man lang niya nagawang bisitahin siya?

"Ready ka na ba Vi?"  Nakangiting tanong ni Belle.

"Oo naman. San ba tayo pupunta ngayon?"  Tanong ni Via.

"I-uuwi muna natin ang mga gamit pagkatapos nun may pupunta tayo sa pinpasukan nating university."  Wika ni Belle habang inaayos ang kama ni Via.

Tumango-tango na lang si Via saka tinulungan si Belle.

Si Lyza naman ay inaayos at nilalagay ang gamit ni Via sa isang bag. Ganun din ang ginagawa ng iba. Sina Stephen at Rafael naman ay nakaantay lang sa labas samantalang sina Justin at Steven naman ay walang ginawa kung hindi ay manood ng telebisyon na naroroon sa silid ni Via sa ospital.

"Okey tapos na to."  Masiglang sabi ni Lyza matapos mailagay ang huling damit ni Via sa bag.

"Tapos na ba?"  Tanong ni Stephen habang nakadungaw sa pintuan ng silid.

Nagsitanguan naman sila bilang sagot. Pinatay na ni Via ang telebisyon na ikinamaktol naman nina Justin at Steven. Pero natigil lang ang kanilang pagmamaktol ng tinapunan sila ni Via ng kaniyang nakakamatay na cold stare.

"Woah. Ice Princess is really back."  Manghang sabi ni Justin habang ang mga kamay ay nakataas sa ere tila sinasabing suko na siya.

"Hehe. Joke lang naman yun Via. Peace tayo."  Nakangiting wika ni Steven  habang ang isang kamay niya ay nasa kaniyang batok at ang isa naman ay naka peace sign.

**

Pagkatapos mahatid si Via ay napagpasyahan ng iba na umuwi na samantalang nagpaiwan naman sina Belle at Lyza dahil ngayon araw sila magsisimulang tulungan si Via para maibalik ang kaniyang alaala.

The moment Via step-out of Rafael's car nagflashback ang lahat ng kaniyang alaala tungkol sa kanilang bahay. Kung saan siya parating tumatambay. Kung saan ang kwarto niya, ang garahe ng kaniyang motor at sasakyan, ang kanilang sala, kusina at lahat-lahat na lang tungkol sa kanilang bahay.

"San na tayo pupunta pagkatapos nito?"  Tanong ni Via matapos mailagay ang mga gamit sa kaniyang kwarto.

"Sa school."  Maikling sagot ni Belle.

"Marami pa tayong pupuntahan kaya tayo na?"  Pagyayaya naman ni Lyza saka naglakad papuntang pintuan.

"Sige."  Sagot ni Via saka sumunod na din kina Lyza at Belle.

Si Belle ang nagmamaneho ng sasakyan habang nasa gilid niya nakaupo si Lyza at nasa back seat si Via na nakadungaw lamang sa bintana at hindi nagsasalita. Nang makarating sila sa Yobbo University ay agad na naunang lumabas si Lyza at pinagbuksan si Via. Kahit tulala ay lumabas na din ito. Na mangha siya sa laki at lawak ng unibersidad na kanilang pinapasukan.

"Welcome to Yobbo University!"  Masiglang sabi ni Lyza.

Napangiti na lamang si Via sa ginawa niya.

"Ang Yobbo University ay unibersidad na ipinagawa para sa mga gangsters,mga anak ng kilalang sindikato at kahit anak ng mga Mafia ay dito din nag-aaral. At ang unibersidad na ito ay pag-aari niyo Via.Pagpapaliwanag ni Belle.

The Gangster Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon