" bakit naman chin? english ng baba yun ah, mukha ba akong baba? " takang tanong nya. Natawa nalang ako sa itsura nya. Hinawakan ko naman magkabilang pisngi nya at inilapit ang ilong namin sa isa't-isa.

Napangiti naman siya at inilayo ko na mukha namin.

" chin kasi iyan oh, chinita eyes " sagot ko sa kanya. Natawa naman sya at hinampas tagiliran ko.

" aray ko namaaaan " arte kong saad at agad nya namang hinamas yung tagiliran ko.





















*ding dong *

Narinig ko naman ang tunog ng doorbell ni Rein. Nagtaka ako at hininaan ang volume ng tv ni Rein. May bisita ba siya? Tumayo naman ako at naglakad papuntang pinto niya. Naramdaman ko namang hinigit ni Rein ang braso ko at napatingin ako sa kanya.

" mahal ako na, sige na bumalik ka na don " saad nya sakin. Tumango naman ako at naglakad na pabalik sa sofa. Pinagpatuloy ko nalang ang panonood ng tv at sumulyap-sulyap nalang. Bisita ba yun? kung bisita man, kailangan ko bang magtago? Saan ako magtatago? Sa kurtina? sa ilalim ng lamesa?

Nabalik na ako sa katotohanan nang maglakad na si Rein papunta rito sa lamesang nasa harap ko.

" hmm? nag-order ka chicken? " tanong ko sa kanya at naglakad sya papuntang kusina. Agad ko namang tinignan yung nasa plastic.

" yes, " simpleng sagot nya at bumalik na may hawak na dalawang plato at kutsara. Inamoy-amoy ko naman ang chicken , waooooo sarap ng amoy talaga ng chicken.

" kain na tayo " saad nya habang may hawak na dalawang coke at tubig.  Tumango naman na ako at nagsimula na kaming kumain.



Pagkatapos naman naming kumain, nagboluntaryo naman na ako ang maghugas ng pinagkainan namin.

"mukhang kailangan ko nang mag-grocery " saad nya sabay kuha ng pineapple juice sa ref.  Pagkatapos kong maghugas ng mga pinggan, agad akong nagpunas ng kamay. Sumandal nalang ako sa mga counter table nya. Pinagmamasdan ko lang siyang kumukuha ng chips sa cabinet nya. Natawa naman ako sa ginawa nya. Agad naman siyang napatingin. Agad kong tinakpan bibig ko.

" bakit ka tumatawa ha " saad nya sakin at binubuksan ang chichiryang hawak nya. Pilit nyang binubuksan yung chichirya. Lumapit naman ako para tulungan syang buksan yon.

" wala lang , kakakain lang kasi natin tapos ngayon ngumangata ka na naman " saad ko sa kanya at inabot ang chichirya nya.

" snack lang ba , " sagot nya naman sakin at nagsimula nang kumain. Kahit kailan talaga. Napangiti nalang ako at niyakap ang bewang nya palapit sakin.

" pahingi nga ako " saad ko sa kanya at kumain lang kaming dalawa. Sana lagi nalang kaming ganito.













" okay, 5,6,7,8 " saad ni Stell at tumugtog ulit ang kanta. Pang-walong beses na praktis netong kanta ngayong araw. Sayaw at kanta, medyo pagod pero kakayanin.

" kahit anong mangyari ako ay tatakbo, " kanta ko sa linya ko. Mahingal-hingal na ako, pangwalong beses ko na ring kinakanta yan. Ilang kanta na ang nirehearse namin para sa concert namin sa Pampanga.

Next Station : I Love You   ( SB19 Justin Fanfiction )Where stories live. Discover now