"Pa I told you mahalaga sakin si Shun.."matapang na sagot ko "Kailan kayo nakauwi?, nagkita na ba kayo ni lola at mama?"

"Yeah. Ngayon lang ako nakapunta dito para tignan ang nagawa mo bilang head."napayuko ako sa hiya hindi ako ang naghahandle dito kundi si Beverly nakokonsensya tuloy ako sa pagiging makasarili ko.

"Ahmm thanks pa."

"Hmm, by the way may pag-uusapan tayong importante."seryusong usal ni papa sakin at bumukas ang pintuan.

It was Grey.

"Sir ito napo ang lahat ng documents wala na po ba kayong gustong ipapagawa?"

"Wala na."sagot ni papa na nakangisi pa at hinarap ako "Family dinner mamaya since nandito na ako."

Tumango nalang ako kay papa and matapos ng lahat ay namili na ako ng damit na gusto ko, matagal-tagal narin simula ng hindi ko mapagbigyan ang sarili ko.

Isinuot ko ang kulay pulang slit dress with my favorite d'orsay, nilugay ko lang ang buhok ko at pinakulot ang huling bahagi nito matching light make-up kahit papano naman ay hindi dry tignan mamayang dinner.

Sa sinabing resto ay natigilan ako, parang ayoko na atang pumasok sa loob.

Pero huli na ng kumaway si mama at lola sakin kaya naglakad ako na parang ayos lang ako.

Umupo ako bago nagsalita.

"Bakit tayo nandito papa?"sa resto pa talaga ni Shun o baka naman hindi niya alam?.

"What? Magdi-dinner tayo hija."ani ni papa.

Wala naman akong magawa kundi tignan ang paligid pero hindi nahagip ng mga mata ko si Shun akala ko ba seven rin ang dating niya dito at ibig sabihin ay magkikita na naman sila ni papa.

"Sorry Im late tito.. Good evening everyone."napatingin ako sa bagong dating na si Grey he is wearing something that can make girls scream out loud. He is hot pero what? Bakit siya nandito?.

"Lets eat?"masayang ani ni papa at doon kumain na kami habang nag-uusap naman sila hindi narin ako nakinig hindi naman ako relate sa usapan nila.

"Maganda siguro kung may asawa kana Jana tumatanda kana at successful karin sa lahat baka gusto mong maghanap?"

Nagulat ako sa pinagsasabi ng ama ko."Pa naman bakit yan pa ang pinagsasabi niyo. Pwede iba nalang."

"No. Im serious here Jana, here."napatanga ako sa sinabi ni papa at may inis sa sarili.

"Pa? Ayoko para saan to!?"

"Calm down hija,"

"Pa naman."

"Just try lang Jana."

"Ayoko kailan niyo pang natutunan ang mga ganito sabi niyo ako lang may bahala sa sarili ko pero ito kayo nirereto ako sa ibang tao--"natigil ako sa sasabihin ko ng pinutol niya ito.

"Gusto kong maikasal si Jana at Grey sa lalong madaling panahon. They are perfect for each other."

The fuck?

Napainom ako ng tubig sa gulat agad akong napatingin kay Grey na tahimik lang na kumakain sa harapan ko. Alam niya pala ang lahat pero hindi man lang ako sinabihan.

Napaayos ako ng upo hanggang sa maramdaman ko na may nakatingin sakin sa gilid at agad ko yung tinignan, kita ko sa mga mata ko ang nakaupo sa malapit na mesa sa amin. Si Shun na nakatingin rin sa akin.

Napatikhim ako at umiwas tingin sa kanya.

"Mag-c-cr lang ako excuse me."usal ko kina mama at papa saka umalis doon.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora