KABANATA 42

216 16 0
                                    

Kabanata 42

___________________

Kinalaunan ay umalis muna kami para magrocery, kinakausap ko naman si Shun ayokong magtaka siya sakin ayoko rin na mapansin niya na may pinoproblema ako. Aaminin ko na may kung ano sa damdamin ko ang iba na ang pakikitungo ko kay Shun nasaktan ako roon at hindi maiiwasan na maiba ang pakikitungo ko sa kanya. Still I love him.

"Anong mas maganda sa dalawa Jana?"naguguluhang pagpili niya sa hawak niya.

"That one."turo ko sa kulay pink.

"Okay then."

Ng nasa counter na kami ay nilapag na namin ang binili namin, habang naghihintay sa cashier ay hinarap ko si Shun.

"Shun..pumunta tayo ngayon kina mama mo?"

Hindi ko alam kung tama pa ba ang takbo ng utak ko para pumunta pa ako pabalik doon pero I need to clarify something, hindi ko nga alam kong may alam rin ba si tita sa ginawa nila?. Or maybe meron nga she is the wife anyway.

"Sige pupuntahan ko rin naman sila ngayon."

Kagaya nga ng usapan ay nagtungo kami doon para bumisita, bumungad samin si Shan na papaalis ng bahay siguro ay on duty sa hospital.

May alam rin kaya si Shan?, I guess wala ano naman ang alam ni Shan about business?, not for judging but kaya nga tinake-over ni tito dito si Shun it because ayaw ni Shan sa ganon.

Ng makapasok kami sa loob ay natigilan saglit si tito ng mapatingin siya sakin at nagsimula na naman akong kabahan.

"Hi ma!, pa."ani ni Shun.

"Jana!"masayang bati ni tita.

Bumiso naman kami. Tinignan ko ang paligid siguro ay nakaalis na si Xia hindi ko siya naramdaman.

"Ahmm ma, here"abot ni Shun sa pasalubong na binili namin.

Nagsinungaling ako na pupunta muna sa kwarto ni Shun sa itaas ng makauna na si titong umakyat.

Gusto ko siyang sundan, at hindi sa nagmamalakas loob pero gusto ko siyang harapin at kausapin. Velasco and Suarez ang nangu-nguna pagdating sa products namin pero bakit naman nila kami trinahidor.

"Need something lil' girl?"napako ako sa kinatatayuan ko sa boses ni tito, hindi ko namalayan na  nasa third floor na pala ako ng bahay nila which is sa kwarto at personal office nila.

"Tito.."kinakabahang usal ko, at galit ako ng malaman ang lahat sa ginawa niya

"Hija How was yo--"

"Youre traitor.."walang halong biro at seryusong bungad ko kay tito, nagulat naman siya pero agad ring nawala.

"Be nice lil--"

"Im not that lil..as far as I know."

Natawa naman sakin si tito.

"Kailan naman naging matapang ang kaisa-isang tagapagmana ng mga Suarez?"may halong biro na giit niya.

"Kaya trinahidor mo ang kasama mo?"naiinis na reklamo ko.

I dont care if he is Shuns father, galit ako kahit na hindi niya pa aminin ang ginawa niya. Pananalita niya palang ay halata na.

"Bakit ako lang naman?"nakangising reklamo pa niya napataas ako sa kilay ko kaya mas lumapad pa ang ngiti niya.

Hindi ako makapaniwala sa reaksyon niya sakin ngayon, malayo sa nakilala kong ama nila Shun.

"Masyadong kilala ang pangalan niyo kahit na dalawa naman ang nagtutulongan..masasabi mo ba na hindi patas iyon hija?"

Hindi ako sumagot, gusto ko lang ang makinig sa kanya kung may patutunguhan ba ang rason niya but damn alam ko na walang patutunguhan iyon dahil kami ang naapektuhan!.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Where stories live. Discover now