KABANATA 37

235 17 3
                                    

Kabanata 37

________________________

Napabalikwas ako sa kama at nagmamadaling bumaba at umalis sa kwarto mabuti nalang at wala sina mama at papa ngayong gabi dahil may pinuntahan lang na importante.

Hinanap ko siya sa baba pero hindi ko siya nakita. Naisipan kong lumabas sa bahay para tignan sa may gate.

Pagbukas ko doon ay bumungad sakin si Shun na nakasandal lang sa puting sasakyan niya at nakayukong nakapamulsa.

"Shun?"mahinang tawag ko sa kanya saka siya nilapitan.

Tinignan niya ako saka marahan na ngumiti kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagod at lungkot nito kaya agad ko siyang niyakap.

"Whats wrong Khail Shu--..fuck baby nilalagnat ka!?"asik ko ng maramdaman ang init ng noo niya.

"Wala lang to baby..may sasabi--"

"No, pumusok ka muna sa loob.."seryuso at nag-aalalang usal ko.

Hindi siya kumibo sakin saka tumango lang, ng makapasok na kami sa bahay ay idineretso ko siya sa kwarto ko.

Saka doon pinahiga sa kama ko at kumuha ng thermometer.

"39°"basa ko sa hawak ko."Ang taas ng lagnat mo Shun."usal ko at pinunasan ko ang mga braso at pisnge niya.

Nakapikit lang siya at niyakap ako ng mahigpit kahit na nakahiga siya.

"Ano ba Shun..you need to rest baby..sleep.."utos ko.

Pero iminulat niya ang mata niya at doon ko siya pinainom ng gamot.

"No!"reklamo niya, napakunot ako sa noo ko.

"And why? May lagnat ka!"

"I said no baby!"nakasimangot na usal niya at inilayo ang gamot na hawak ko na parang bata. Ito at ang sinasabi nila na parang hari kung maka-utos.

"At bakit naman Shun? Inumin mo nalang kasi!"reklamo ko ulit.

"No!, baby..ang pait niyan."nakaiwas tinging sagot niya.

Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi niya pero mahina akong napangiti.

"What?"kunot noong usal niya.

Inilapit ko ang mukha ko sa tenga niya saka nagsalita.

"Magaling ka sa kama baby pero..nakakatawa lang na hindi kapa marunong ngumuya ng gamot?"pang-aasar ko.

"Baby naman..iba yon..masarap ka at ang pait naman ng gamot."iwas tinging usal niya.

Napabuntong hininga nalang ako at tinalikuran siya.

"Baby! Where are you going? Iiwan moko?"napatingin ako sa kanya.

"What..no."

"Then saan ka nga pupunta?"

"Basta..babalik lang ako."sagot ko at lumabas narinig ko ang pagrereklamo niya pero nagpatuloy parin akong umalis.

Nang makabalik na ako ay hawak ko ang dinudurog-durog na gamot at pumasok sa loob, nakita ko siyang nakatayo kaya nagulat ako.

"Akala ko ba magpapahinga ka?"ani ko.

"Hinintay kita..b-baka hindi kana bumalik."nahihiyang usal niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siua sa mga mata.

"Shun..nangako ako diba? Hindi ako aalis..hindi kita iiwan..kaya wag kang matakot okay? Nandito lang naman ako sayo.."sinserong sagot ko at hinalikan siya sa labi, napakagat ako sa labi ng maalala na may sakit pa pala siya.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat