KABANATA 47

214 14 0
                                    

Kabanata 47

________________________

Mahina pero rinig ko ang boses niya, napatigil ako sa paglalakad. Ngayon ang pag-iisang taon na namin. Tahimik lang akong umiiyak pero hindi ako lumingon sa kanya.

"Iiwan mo na ako..susuko kana satin..ayaw mo na..pagod kana dahil sa problema natin..at hindi moko kayang samahan.."napapaos na boses niya at ramdam kong umiiyak na siya ng walang pag-aalinlangan.

Napapikit ako at mahigpit na nakahawak sa clutch ko.

"Mahal mo paba ako Janina?..Dahil ang pinanghahawakan ko lang naman ay..ang sinabi mo sakin noon..Remember?" pagod, mahina at paos na tono niya "Sabi mo kahit anong mangyari ay hindi mo ako iiwan diba?mahal mo ako..dahil ganon mo ako kamahal..Mahal mo ako..at alam kong hindi mo ako iiwan right..kaya harapin mo ako ngayon..at huwag umalis."

Nanginginig ako sa kung anong isasagot ko sa kanya, takot ako nasasaktan na ako..at kinakabahan.

Takot ako na mawala siya.

"No Shun!"sigaw ko pero nanatiling nakapikit lang

"Nasabi ko lang yon kasi..g-ginamit kita at tama ka si Shan pa ang mahal ko noon..kaya hindi ko kayang magtagal sayo ngayon kasi si Shan parin ang nasa utak ko..siya lang at wala ng iba..Shun..gusto kong sabihin sayo ngayon para malinawan na tayong dalawa sa lahat..Shun..Im giving up..I-Im...." hindi ko na kaya Shun, hindi ko kayang lumayo pero pangako ko sayo babalik ako kapag magaling at ayos na ang lahat satin.

Napahigpit ang hawak ko sa sariling bag ko at napasinghap ng ilang beses.

"Shun..Im breaking up with you.."sinadya kong lakasan ang boses ko kahit na hindi na kaya dahil sa iyak ko at panginginig ng kalamnan ko, hindi ko kayang hiwalayan siya.

Hindi ko na pinakinggan ang susunod na sasabihin niya at nagmamadali akong naglakad paalis sa lugar na iyon.

Pareho naming nasaktan ang isa't isa.

Kinalaunan ay nakasakay nakasakay na ako ng taxi pauwi sa bahay namin, natataranta at kinakabahan pa nga ang taxi driver dahil sa iyak ko sa loob ng sasakyan.

"Ayos lang po kayo maam?"

Napatakip ako sa mukha at nagthumbs-up habang humahagolgol.

Ng makauwi na ako ay nakita ko si mama at papa na may inaayos na gamit

"M-ma.."mahinang usal ko

Napatingin silang dalawa sakin at nagulat sa itsura ko.

"Hija! Ang basa mo! Bakit ka nagpaulan!" nag-aalalang usal ni mama sakin at nilapitan ako.

Tulala akong nagpalit ng damit, tamang sweatpants at t-shirt lang ang sout ko.

Pumasok naman si mama sa loob ng kwarto ko, magrereklamo pa sana ako pero wala akong lakas na magsalita o magkwento.

Im tired.

Umupo siya ng dahan-dahan sa paanan ng kama ko habang ako ay nakasandal lang sa headboard ng kama.

"Hija..anong nangyari? Ang lungkot mo at namamaga ang mga mata mo..umiiyak ka.."nag-aalalang sabi niya.

Tumango nalang ako habang tumulo na naman ang mga luha ko ng maalala ko si Shun kanina, kung paano ko siya iwan doon na mag-isa. Paano ko yon nakakayang iwan ang taong mahal na mahal ko na basang basa sa ulan.

Hindi ko na matutupad ang pinangko ko sa kanya noon..dahil iiwan ko na siya.

"M-ma..w-wala na talaga kami ni Shun..ako ang nakipaghiwalay...tama ba ang disesyon ko ma?"tulalang tanong ko habang tahimik na umiiyak.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Where stories live. Discover now