KABANATA 2

418 18 0
                                    

Kabanata 2

_____________________________

Nang makita ko ang pangalan ni Shan ay agad kung sinagot.

"Hi!Shan! Miss you."

"Hello, how are you?"kalmadong sabi niya sakin.

"Fine, anyway kumusta kana dyan? Nakauwi na si Tita Jean kahapon."

"Oo nga e, nag-away siguro sila ni Dad".

Napaisip naman ako kung bakit naglalasing sila ni mommy ngayon, kaya pala.

"Naiinis ako sa kambal mo ngayon!"

Natawa naman ito sakin.
Gusto kong ekwento kay Shan ang lahat pero tinatamad ako.

"Anong ginawa niya sayo?"natatawang sabi niya.

"Sabi ni tita Jean nakauwi kana daw, syempre umasa ako kasi naman nakauwi na siya..sabi pa niya nasa kwart-"nahinto ako saglit ng maalala ko si Shun at ang kasama niya hindi ko dapat ikwento yong eksena kanina baka magalit si Shan."I mean..nakatulog si Shun sa kwarto mo..."pagsisinungaling ko

"Akala mo ako siya?"

"No! Hindi ah! Mas gwapo ka haha! Tsaka mahal kita yon ang pagkakaiba."sabi ko na natatawa.

Hindi ko naman masasabing hindi sila magkamukha, actually kahit saang anggulo ay pareho sila. Minsan pa nga ay napagkakamalan ko si Shun as Shan.

Sa boses naman nila ay masasabi kong pareho sila sa tono ng pananalita at ang kakisigan nila ay pareho rin, ang pagkakaiba nila ay babaero si Shun samantalang si Shan ko ay seryuso sa mga bagay bagay. Yon ang nagustuhan ko kay Shan, kung baga ay advance siyang mag-isip.

Gaya ng sinabi ko malaki ang pagkakaiba nila at doon ko yon nakita sa mga ugali nila, nakilala ko si Shun bilang siya noong college kami. Same school kami pero iba ang course namin, Accountancy siya samantalang ako ay F.A. since may-ari ng pamilya ko ang Airlines. Si Shan naman ay pang business rin ang course pero his taking another course sabi pa niya and I dont know what is it, nasa ibang bansa since siya at siya rin ang pinagkatiwalaan ng Daddy nila.

"Youre so cute Jana."namula naman ako sa sinabi niya.

"C-cute la--"nahinto ako ng may tumikhim sa likuran ko, minsan masasabi ko na may tao talagang panira sa kasiyahan ko.

"Janina uuwi na si tita Jessy."boses mula sa likuran ko.

"Bye Shan I love you."

"Bye Jana see you."pagkasabi niya non ay pinatay ko na ang cellphone ko at pinuntahan sina mommy sa kitchen.

Nang makauwi na kami ni mama ay saka lang ako nakapagpahinga, what a day.

Naligo muna ako at nagbihis pagkatapos ay nagbasa ng libro sa kama ko, nasanay na ako na magbasa ng libro. Nagawian ko na mula pagkabata kaya hindi ko maalis-alis.

Pagkatapos ay nakaramdam na akong ng antok kaya pinatay ko na ang ilaw saka natulog.

Mga isang linggo narin ang nakalilipas at malapit na ang kaarawan ko my 23th birthday, naisipan ni tita Jean nasa resort nila kami magcecelebrate.

Konting salo-salo kasama ang family ko at ang mga kaibigan ni mama at papa, pati narin ang mga kakilala at kaibigan ko.

Masyado na akong matanda kung ipapabunga ko pa ang handaan namin. I want a simple party, simple yet classy.

Hindi ko na sinama si Xia sa mall ngayon para mamili ng dress para sa susuutin ko sa birthday, busy siya naiintindihan ko naman.

Napili ko ang kulay pastel na pink dress, backless siya saka mabukad-kad konti ang palda. Nagpapasalamat ako na kahit papano ay maganda ang katawan ko kaya nababagay ang lahat ng porma sa damit, kaso lang mas gusto ko ang t-shirt at jeans at ibabagay ko nalang sa mga shoes ko.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Where stories live. Discover now