KABANATA 29

238 21 0
                                    

Kabanata 29

_________________________

Napatikom ako sa bibig ko saka tumingin kay mama.

"Hmm..yes."mahinang sagot ko na ikinagulat ni mama sakin si papa naman ay nagulat rin pero hindi pinahalata.

"But hija..kinalaban niya kami why your choosing him over us?"nalulungkot na sabi ni mama.

Napakunot ako sa noo ko.

"Ma, wala po akong pinili? Wala naman sigurong masama kong pagsasamahin kami ni Shun right?"

"Bakit naging kayo Janina? Anong ginawa niya sayo? o anong binabalak mo para sa kanya?"malaking boses na sabi ni papa kaya napatingin ako sa kanya "Ginamit mo lang siya diba? Just to know if VelasCompany ay niloloko na tayo?."

"Pa."

"Anong binabalak mo? Si Shun ba ang pain sa pamilya nila?."

"Huwag kang magsalita ng ganyan honey."usig ni mama kay papa at nilingon naman ako ni mama dahil hindi ako makapagsalita.

"Jana?"ani ni mama.

"No ma."sagot ko, nagulat si mama sa sagot ko saka ako hinawakan sa kamay.

"Bakit mo naman yon ginawa Jana?"nag-aalalang sabi pa niya.

Tinignan ko sila ng seryuso.

Kahit si mama ay hindi rin pinahalata na ayaw kay Shun, I dont know why they all hated Shun pero alam ko naman na mabait at iba si Shun sa pagkakakilala nila.

Hindi dahil sa pagkabagsak si mama nag-aalala kundi ang pagiging babaero nito na halos magpakamatay ang anak ng kaibigan ni mama dahil kay Shun noon, ayaw lang nila na makita nila na kami ni Shun dahil sa bad record nito at mas inayawan pa nila si Shun ng madagdagan pa ang problema nila simula ng maibagsak ni Shun ang negosyo ni mama. Mas maganda kasi ang bagong business ni Shun kesa kay mama na makaluma narin parang naiinsulto rin si mama dahil kinalaban siya sa anak ng kaibigan niyang si Tita Jean.


Kaya ganon nalang ang boto nila sakin para kay Shan pero sa ikinalulungkot rin nila na wala na kami ni Shan kaya gusto nalang nila ni papa na magpahinga lang muna ako dahil baka ginagamit ko na si Shun para pamalit at pampalipas oras sa paglisan ni Shan at ginamit rin ako ni Shun bilang isa sa babae niya.

"Janina, hindi mo na naman  gingawa to para sa negosyo ko? ."may panghuhusga na tanong ni mama. Hindi ko siya masagot dahil noong una palang nagbigay mutibo sakin si Shun ay iyon ang plinano ko. Ang gamitin siya pero people change e.

"No.."napalingon ako dahil sa boses ni papa "Gusto niyang malaman..siguro hahayaan nalang natin siya since ginusto niya rin naman..malaki na si Jana para pigilan natin honey..nasa kanya lang ang desisyon kung titigil ba siya o hindi para kay Shun."seryusong sabi ni papa" Hayaan na natin siya basta wag kalang magsisisi Janina."dagdag ni papa na tiim na nakatitig sakin.

Napainom nalang ako ng kape ko wala akong masagot, nagkamali lang naman sila ng hinala.

Hindi ko maiisip ang pinagsasabi nila, dahil kung gagamitin ko man si Shun para sa business nila ay hindi parin ako successful. Ginugulo ni Shun ang isipan ko tuwing magkakasama na kami at mawawala sa isip ko ang problema at ang nais ko dahil nararamdaman ko na ang pagiging masaya ko tuwing kasama ko siya.

Kagaya nga ng plano ko ay ng makaalis na sila mama at papa ay ako nalang ang naiwan sa bahay at naisipan ko ang mag-insayong magluto kailangan kong matuto.


Habang nagluluto ako ay tinawagan ko si Shun pero hindi siya sumasagot hindi ko nalang siya tinawagan ulit at nagpukos nalang sa pagluluto ng siya na ang tumawag sakin.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Where stories live. Discover now