KABANATA 61

244 15 0
                                    


Kabanata 61

_________________

Maayos na kami ni Shun pero hindi na ako nakakadalaw sa opisina niya, hindi na ako ang secretarya niya dahil nalaman ko nalang na uuwi si papa ay pukos na ako sa kompanya namin. Pero hindi naman siya pumapalyar sa paghatid sundo niya sakin.

"Kumain na tayo Jana. Ako nalang ang tatapos niyan" reklamo niya sakin.

"Sinabihan na kita na tatapusin ko pa ito, mag order ka nalang kaya!?"asik ko nakatitig lang sa laptop.

"Ayoko gusto ko sa labas. Kaya ako na ang gagawa niyan."giit niya at tinabihan ako sa may swivel chair ko.

"I love you."mahinang bulong niya kaya napapahinto ako sa ginagawa ko.

"Ano ba Shun tapusin muna natin to oh!"natatawang ani ko dahil sa kiliti.

"Hindi moko mahal."nakasimangot na aniya kaya napatingin ako sa kanya.

"Ganon? Yon na yon?"namamangha na usal ko. "Anong kailangan mo?"

"Halik. Halik. Halik."pilyong ngiti niya pa sakin.

Itinigil ko muna ang pagtitpa ko sa laptop ko para halikan siya sa labi at agad niya naman iyong sinungaban at hinahaplos ang hita ko.

Hindi na talaga kami makakain nito. Kumalas naman kaming dalawa at pinagsiklop niya at mga kamay namin.

"I love you baby."mahina pero rinig ko ang sinabi niya at akmang aalis sa tabi ko.

Naputol ang usapan namin ng pumasok si Grey at si papa! Napatayo ako at i-alis ang pagkakahawak sa kamay ni Shun sakin nagulat siya ng makita niya si papa ganon rin si papa at agad nagbago ang aura nito.

"Pa, Grey!"natatarantang usal ko napatingin ako kay Shun na tahimik lang at nakatayo narin.

"Why are you here?"taas kilay na tanong ni papa kay Shun.

"Tito, nandito ako para sa anak-"

"Here Grey asikasuhin mo muna ito at susunod ako sayo."hindi nakinig si papa kay Shun. Kahit kailan ayaw na ayaw talaga ni papa kay Shun.

Natahimik nalang si Shun sa gilid, ng makalabas si Grey ay agad kong nilapitan si papa.

"Pa..ahmm si Shun nandito siya."

"Nakikita ko Jana."tinignan niya si Shun na nakatayo lang ng maayos at nakatingin saamin "Bakit ka nandito? Spying us again?"

Agad kong pinigilan si papa sa pinagsasabi niya pero mahina lang na natawa si Shun at sumeryuso.

"Nandito ako para kay Jana."

"Well youre not welcome here."asik ni papa.

Tumango lang si Shun at agad naglakad palabas ng mahawakan na nito ang door knob ay agad ko siyang nilapitan.

Nagulat siya sakin. Hindi ko man lang nakita ang pagrespeto ni Shun kay papa ganon rin ba siya kagalit kay papa.

"Bye."sagot ko nalang. Hinawakan niya ang kamay ko saka hinalikan ito "Shun..m-mag-uusap lang kami ni papa"napaiwas siya sakin at tumango.

"Bye. Tawagan nalang kita
hihintayin kita sa resto mamaya. Lets talk at 7 pm."aniya at lumabas.

Napaharap ako ulit kay papa na makikita ang iritasyon nito.

"I cant believe that guy hindi man lang nahiya na pumasok dito, anong nangyari sayo Jana? Bakit malapit na naman kayo ulit?"

Umupo ako sa may sofa at ngayon ay magkaharap na kami ni papa bago sumagot.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Where stories live. Discover now