KABANATA 10

279 20 0
                                    

Kabanata 10

_____________________________

Ano bang problema niya samin ng kapatid niya bakit parang siya pa ang masusunod ngayon sa mga kinikilos namin.

"Excuse me?..Shun..siguradong sigurado ako"seryusong sabi ko rin.

Nakita ko ang may kunting lungkot sa mga mata niya at kinakalibutan ako doon parang may mali.

Hinawakan niya ang braso ko saka mata sa matang tinitigan.

"Paano ka nakakasigurado kay Shan, Jana ha?..ngayon lang kayo nagkita tapos umu-o kana sa proposal?"

Hinigit ko ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko saka siya tinitigan ng masama.

"Ganyan kaba kung makapagsalita ka sa kapatid mo Shun?..dapat nga ngayon ay sinusupportahan mo kami kasi kapatid ka niya."pangangaral ko sa kanya, hindi ko maiintindihan siya ngayon kung ano pa man ang sasabihin niya. May tinatago siyang iba e.

Hindi siya nakapagsalita at doon ko nahigit ang kamay ko mula sa kanya saka nagmamadaling umalis, ayokong makita si Shun ngayon.

Nang makalabas na ako ay nasa may hardin pa lamang ako nang higitin niya muli ang kamay ko, hindi ko napansin na nandito na pala siya sa tabi ko na nakasunod.

"Shun ano ba!"bulyaw ko sa kanya, pero dinala niya ako sa may hardin nila na may maliit na fountain.

"Jana-"

"Ano pa ba ang pag-uusapan natin Shun? Sabihin mo ayaw mo ba akong maikasal sa kapatid mo!?"matapang kong tanong. May mali ba sakin at hindi niya ako bet kay Shan!

"Yes!"deritsong sagot niya, napapantastikuhan na tinignan siya.

"Why? What?"napamaang sabi ko "Ayaw mo kaming makasal ni Shan? Selfish! Hindi porket nasaktan ka ng mahal mo ay idadamay mo ako jan."dagdag ko na napairap.

Nag-iwas tingin muna ito saka ako hinarap na nakahawak ng mahigpit sa mga braso ko.

"Fuck Jana!, ilang pagkakataon kong sinubukang kalimutan ka pero fuck! Hindi!"tiim bagang na usal nuya sakin doon ako nagulat sa sinasabi niya. Nabingi ata ako saglit.

"Jana..matagal na kitang gusto..mula bata pa..si Shan na ang gusto mo kaya wala akong magawa para mapasaki--"

"Stop it Shun..hindi nakakatuwa."

"Wala naman talagang nakakatuwa Jana." Seryusong usal niya saka ako nilapitan ng sobrang lapit ay nanindig ang balahibo ko sa kilos niya ngayon, hindi ako sanay sa inaasta niya.

Paano ko maiisip na may gusto siya sakin? Isa siyang babaero at kay Shan lang ang paningin ko wala ng iba pa.

"Shu-"

"Jana, I like you-no I love you...so much..na kahit anong pilit kong mambabae para kalimutan ka ay di ka mawala-wala sa isip at puso ko..ikaw lang, sinubukan kung kalimutan ka but hell Jana I can't ..nandito ka parin.."sabay turo niya sa dibdib niya seryuso siya at ngayon ay nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. "I told you wag kang sasagot kung may magtanong sayo but still umu-o ka parin."dagdag niya pa.

Napalunok ako sa pagtatapat niya ngayon, hindi ako handa na makarinig nito mula sa kanya. Ayos na kami ni Shan ayokong magugulo kami ni Shun.

Hindi parin ako makapaniwala na nagugustuhan niya ako, iwan ko ba pero meron sa isipan ko na nagsasabing hindi totoo ang mga pinagsasabi niya lalo na sa pag-aaway nila sa ama niya kanina.

"Shun..si Shan ang mahal ko."kalmadong sabi ko para maunawaan niya naman. Pagkasabi ko don ay doon narin tumulo ang ang luha sa mga mata niya at nakatitig lang sakin.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Where stories live. Discover now