26

1.5K 50 2
                                    

Dear Sir,

Hi Sir! Ilang buwan na din ang nakalipas.

Ilang buwan ko na din binaling ang atensyon ko kay James.

Nagustuhan ko siya, nagtagumpay ako na naibaling ang atensyon ko sa iba.

Pero tulad nung sinabi ko hindi naging sapat ang nararamdaman ko kay James.

Ginawa ko din ang mga ginawa ko dati noong may gusto ako sa inyo.

Naging stalker ako. Lahat inalam ko sa kanya. Pero siya yung tipo ng tao na kahit kailan ay hindi din ako mapapansin.

Papansin ba ko? Gusto ko kasi kahit konti mapansin man lang ako ng taong gusto ko.

Katulad mo siya Sir. Matalino siya. Masungit din.

Pero ni minsan hindi niya ako natandaan o nakilala man lang. Nagkakilala kami pero bakit ganun? Kapag tinatanong siya ay sinasabi niya hindi niya daw ako kilala.

Pero Sir, nagising ako sa katotohanan.

Tinanong ako ng classmate ko.

"Gusto mo ba talaga si James? Kasi kung pakiramdam ko panakip butas mo lang siya. Alam mo kasing masasaktan ka lang kapag pinagpatuloy mo ang pagkakagusto kay Sir kaya binaling mo sa iba ang nararamdaman mo."

Napaisip ako.

Ilang araw ko din inisip iyon.

Tinignan ko kung mawawala ang nararamdaman ko kay James.

Katulad ng dati ay mas lalo nila akong inaasar sayo Sir.

Namalayan ko na lang na nagsimula na namang magwala ang puso ko sa tuwing nakikita kita Sir.

Dati si James ang rason nito, pero bakit ngayon ikaw na ulit Sir?

Love,
Yan

Dear SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon