21

1.6K 58 3
                                    

Dear Sir,

Normal lang akong pumasok sa school. Hindi katulad dati na excited ako, ngayon ay parang wala lang.

Hindi ako sabik pumasok.

Dala dala ko parin ang kalungkutang nararamdam ko kahapon.

Hindi ako masyadong nakatulog ng ayos.

Napag isip isip ko kagabi ang mga ginawa ko.

Ang pagiging stalker ko. Ang pagkaobsess ko. Ang pagkakacrush ko sayo Sir.

Naisip kong mali lahat ito. Naisip kong sana hindi ko na lang ginawa yun.

Hindi padin ako makarecover sa nangyari kahapon. Natalo na nga nasaktan pa ko ng paulit ulit.

May contest daw kami sa ICT. Nakita kong time ng Science. Ibig sabihin Sir, hindi ko kayo makikita.

Nagtungo na kami ng mga classmates ko sa ICT.

Nagsimula na ang contest. Lalaki ang kapartner ko.

Matalino siya, kaso hindi ako kinakausap.

Pero kinausap niya na din ako.

Nagtulungan kami sa pagsasagot.

Kahit papaano ay nawala ang atensyon ko sa inyo.

Namangha ako sa kapartner ko dahil ang galing niya. Ang talino.

Nanalo kami, 1st place. Bawi naman dahil kahapon talo ako ngayon panalo.

Namangha talaga ako sa kanya. Humanga ako sa katalinuhan niya.

Inalam ko ang pangalan niya pati section niya.

Bigla ko na lang nalimutan ka Sir.

Akala ko ay hindi mawawala ang atensyon ko sayo Sir.

Sinasabi ng mga classmate ko mahal ko na daw kayo.

Pero hind, gusto ko lang kayo Sir.

Pero sa tingin ko kailangan ko ng magkagusto sa iba, dahil kahit kailan hindi magiging tama ang pagkakagusto ko sa inyo.

Love,
Yan

Dear SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon