3

3.4K 92 5
                                    

Dear Sir,

Sabi ng mga kaibigan ko paano ko daw nalaman ang full name mo.

Okay ako na ang dakilang stalker mo. Eh kasi naman Sir, gusto kong mas lalo pa kayong makilala.

Ang creepy ko ba?

Ang saya saya ko nung nalaman ko ang full name mo Sir! Ang gwapo pakinggan! Yung tipong kapag binanggit ng iba ay nahihimatay na ako sa kilig pangalan palang?

Ang OA ko ba? Eh kasi Sir! Pinakikilig niyo ko eh! Effortless nga eh! Yung tipong wala naman kayong ginagawa pero makita ko lang kayo o ang pangalan niyo jusko po! Feeling ko nasa mga ulap na ako, nalutang.

Ang unfair nga eh Sir! Si Vanessa, si Ranielle, Si Joy natatawag niyo na sa pangalan tapos ako hindi? Bakit ang daya niyo! Yung pangalan nila alam niyo tapos ako hindi? Nasaan ang hustisya?

Pero okay lang yun Sir. Hindi naman ako galit. Tampo lang. Sana naman Sir, kilalanin niyo kaming lahat, para naman matawag niyo ang pangalan ko.

Gusto kong irecord yung boses niyo, kung paano niyo banggitin yung pangalan ko. Feeling ko kapag kayo nagbanggit nun ang ganda ganda ng pangalan ko, kahit na minsan napagkakamalang pang lalaki yung pangalan ko.

May quiz ka diba bukas Sir? Katatapos lang ng lesson kaya sabi mo may quiz.

Osige na Sir. Magrereview na ko para sa future natin, ay este para po pala sa quiz.

Sir kapag nakita niyo yung papel ko! Ako lang ang nagsulat ng full name niyo!

Makikilala niyo din ako Sir! Tiwala lang.

Love,
Yan

Dear SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon