Last Page

2.1K 55 10
                                    

Hello Sir! Paalam na. Magbabakasyon na at alam ko namang hindi na kita magiging teacher next year.

Salamat dahil marami akong natutunan sa Science. Marami akong naintindihan sa Science dahil dati hindi ko maintindihan ang subject na yan.

Salamat po sa lahat. Salamat sa pasensya sa amin ng mga kaklase ko.

Salamat sa pagtuturo sa amin.

Salamat Sir dahil may mga bagay akong narealize dahil sa inyo.

Ikaw Sir ang ideal man ko.

Ikaw yung tipo ng lalaking gusto kong makasama in the future.

Ikaw kasi yung tipo ng lalaking seryoso at passionate.

Haha kahit palagi nila akong inaasar todo deny pa rin ako sa harap mo Sir.

Nahihiya ako sayo Sir.

10 years ang age gap natin.

Haha normal lang naman na magkagusto ang mas bata sayo diba Sir?

Kung dati magdedeny ako.

Ngayon hindi na.

Magbabakasyon na rin naman eh, aamin na ko.

Gusto kita Sir. Gustong gusto pa nga eh.

Sa sobrang pagkagusto ko naging stalker pa ko.

Sa sobrang pagkagusto ko, hiniling ko na sana ako na lang si Ma'am.

Sa sobrang pagkagusto ko nalunod na ako sa pag iimagine hindi ko alam nasa reyalidad pala ako.

Nadala ng kilig hindi ko alam may possibility na masaktan ako.

Hindi ko alam ang tagal na kitang crush Sir.

Ayokong sabihing love na to kasi iba yun eh.

Siguro masasabi kong I like you so much Sir.

Narealize ko na hindi lahat ng taong gusto natin, makukuha natin.

May mga bagay na kahit alam mo na, kahit tanggap mo na masakit parin.

Kahit na sabihin mo sa sarili mong ayaw mo na, hindi mo kaya kasi gusto mo pa.

Katulad ko, pwede ko namang piliin na ayawan ka Sir.

Pero ewan ko ba, kapag nandyan na ko sa stage na yan hindi ko magawa.

Para bang ang sakit kapag aayawan mo yung isang taong gustong gusto mo.

Naging choice ko na gustuhin ka lalo kaya naging choice ko din na masaktan lalo.

Gusto ko lang sabihin Sir na mag iingat ka palagi. Patuloy ka parin sa pagtuturo dahil dyan ka magaling Sir sa Science. Ahmm good luck sa proposal mo kay Ma'am kahit hindi ko alam kung kailan mangyayari yun. Good luck sa kasal niyo. Good luck kasi magiging ama ka ng mga anak niyo ni Ma'am. Magpakatatag kayo ni Ma'am. Maging masaya kayo ni Ma'am kasama ang future babies niyo.

I wish you all the best Sir.

Nakakatawa kasi may times na hiniling ko, sana ako na lang si Ma'am.

Haha masyadong childish.

Well bata pa naman talaga ako.

Hinihiling ko yung mga bagay na gusto ko pero alam ko namang hindi karapat dapat sa akin.

Bakit nga ba gusto natin yung mga taong ayaw sa atin?

Haha pero seryoso talaga Sir. Gusto kita.

Kahit maaga ako pinanganak at maaga tayong nagkakilala pakiramdam ko hindi parin ako ang taong para sayo.

Nakikita kong masaya ka kay Ma'am. Masaya na ko dun Sir kahit masakit talaga.

Kailangan kong tanggapin lahat kahit masakit.

Salamat Sir dahil isa ka sa naging inspirasyon ko.

Isa ka sa mga naging bahagi ng buhay ko.

Ikaw ang nagpakilig.

Nagpasaya.

Nagpalungkot sa akin Sir.

Salamat sa lahat lahat Sir.

Salamat din sa pambabalewala mo sa feelings ko.

Ngayon ko lang narealize na mas mabuting huwag magbigay ng motibo kung hindi mo naman talaga gusto ang isang tao dahil bibigyan mo siya ng panghahawakan upang umasa siya sayo.

Salamat Sir sa pananakit, sa pang seseen zoned sa akin.

Sorry sa pagiging childish ko.

Sa paghiling sa mga bagay na hindi ko dapat hilingin.

Sa mga bagay na hindi ko dapat pangarapin.

Alam ko ang limitasyon ko.

At wala akong lakas ng loob na lumampas pa dun.

Alam ko kung hanggang saan lang ako at kung saan dapat lang ako.

Hanggang estudyante at dapat dito lang ako.

Kahit na nasasaktan ako, naging masaya rin naman ako Sir.

Sa mga may crush dyan at nasasaktan.

Minsan ganun talaga. Ayaw sa atin ng mga taong gusto natin.

Narealize ko na siguro kaya tayo sinasaktan ng gusto natin para maparealize sa atin na may mas better pa sa kanila.

Na may makikilala pa tayo na mas deserving para sa atin. Yung gusto din tayo. Yung mamahalin tayo.

Ipaparealize nila na kaya siguro hindi sila yung para sa atin dahil may plinano si God na mas better para natin.

Gawing inspirasyon ang crush. Mag aral ng mabuti para makapagtapos.

Huwag magpadala sa distractions.

Normal na masaktan tayo dahil may puso tayo.

Darating din yung time na sasaya ka din at kikiligin ka sa sarili mong lovelife.

Kung hindi man ngayon sa hinaharap pa.

Don't rush things. Darating ang mga yan. Hindi ka mauubusan ng kapair. May plano si God para sa ating lahat. Faith lang.

Bye Sir.

Goodbye na talaga to Sir.

Hindi kita makakalimutan Sir.

Kung in the future makita kita Sir kasama si Ma'am at ang mga anak niyo.

Maalala kong minsan ay nagkagusto ako sa aking Science teacher na may masayang pamilya na in the future.

Matatawa na lang akong balikan ang mga kabaliwan ko.

Matatawa na lang akong nabaliw pala ako sa teacher ko.

Hindi ko malilimutan na nagkagusto ako sayo Sir.

Hindi ko malilimutan na minsan naging crush ko ang teacher ko sa Science.

Yung Free fall

Collision

Yung research

Yung pictures

Yung Science Camp

Sobrang daming mga alaala.

Hanggang sa alaala na lang kita Sir.

I like you so much Sir.

Huwag mo sana itong mabasa Sir. Peltok sa akin ang classmate ko na magsabi nito esp. ang mga kaibigan kong mga baliw! Special mention Geraldine, Vanessa, Keyle, Louie at Jezhel.

Matatawa ka na lang siguro na nagustuhan ka ng isang hamak mong estudyanteng ang pangalan ay Yan.

Hanggang dito na lang Sir.

Paalam.

Dear SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon