14

1.8K 65 6
                                    

Dear Sir,

Tapos na namin ang reseach. Ako palagi ang pinagpapasa ng papel sa inyo.

Ako palagi ang nagtatanong sa inyo tungkol sa research.

Napili ako sa mga madedefence ng research. Hindi naman talaga ako dapat, pero dahil hindi pwede yung classmate ko ako ang napili.

Ako daw ang nirequest nung classmate ko na pumalit sa kanya. Nung una ayoko, tapos bigla niyo kong kinausap.

"Ikaw daw ang papalit." Gosh! Eye to eye Sir!

"Ayoko po Sir."

"Kaya mo yan. Ikaw na ah. Tuturuan ko naman kayo."

Pwede bang magpaparty sa sobrang tuwa? Jusko po! Gusto kong magtatatalon sa tuwa.

Kinabukasan, tinawag mo ang mga kasali sa defence. Kinilig ako ng bigla mong tinawag ang full name ko.

Pangarap kong matawag mo ko Sir!

Shocks! Dream come true!

Habang nagpapractice kami sa defence ay nasa may science lab kami.

Mainit dahil walang electric fan. Bigla ka na lang nawala. Tapos nagulat kami ng bigla kayong dumating na may dala dalang electric fan.

Yung dalawa kong kasama napatingin sa akin. Shocks! Beket eng gentleman niyo Sir?

Hayyst! Napangiti ako. Tapos yung dalawang kasama ko naman inasar ko. Mga classmates ko talaga ko.

Alam kasi nilang lahat na may crush ako kat Sir. Bulgar na bulgar no? Kaya naman kapag may issue about sa inyo Sir, nako mga classmates ko palaging napapatingin sa akin.

Tinanong namin kayo Sir kung kasama kayo sa laban ng defence. Sabi niyo Oo. Nalaman ko din na si Ma'am ang may hawak ng quiz bee. Ibig sabihin kasama din si Ma'am.

Magkasama ulit sila.

Hayy. Masaya ako dahil kasama ko kayo.

PS. Pero malungkot din ako kasi kasama niyo na naman si Ma'am.

Love,
Yan

Dear SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon