4

2.7K 84 0
                                    

Dear Sir,

Grabe Sir, nagreview talaga ako para sa quiz. Sinipag kasi ako, baka sakaling mataas ang score ko tapos tawagin mo ko tapos icongratulate mo ko.

Pero imposible naman yun. Kanina habang nagsasagot ako ay nakatingin ako sa inyo Sir. Pasulyap sulyap, hindi sa katabi ko Sir ah! Hindi ko kumopya, sa inyo ako nakatingin. Kulang na nga lang puro pangalan niyo ang isagot ko kanina eh.

Bakit ba kasi ang kisig niyong maglakad. Habang nag iikot kayo sa room ay ang gwapo niyo tingnan. Plus pogi points pa yung salamin niyo. Kahit na nakakunot ang noo niyo ang gwapo niyo!

Lahat tayo ng bagay na gawin niyo, gwapo parin kayo.

Pinapatunog niyo yung kamay niyo.

Grabe Sir, kung camera lang tong mga mata ko. Siguradong napakaraming pictures na ang nakuha ko.

Tapos palagi kayong may dalang panyo.

Ilan ba ang panyo niyo Sir? Gusto ko malaman.

5,6,10 ba Sir? Ano anong mga kulay? Anong kulay kapag monday? O di kaya kapag tuesday?

Never kitang naging soulmate sa panyo Sir. Tulad kanina white yung panyo niyo eh white yung panyo ko kahapon.

Nakita ko kaya kung paano magpunas ng pawis. Gosh. Pwede ako na lang magpunas ng pawis niyo sa noo Sir?

Medyo mainit kasi sa room namin.

Parang gusto ko tuloy magdonate ng aircon, para hindi napagpawisan si Sir.

Love,
Yan

Dear SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon