20

1.7K 60 2
                                    

Dear Sir,

Maaga ako nagising. Excited ako na kinakabahan.

Grabe! Ito na yun, ang araw ng laban.

6am palang ay nasa school na ako.

Ang ganda ng gising ko dahil umagang umaga ay makikita ko na kayo.

Buong araw ko kayo makakasama.

Dumating na ang mga kasama ko.

Nagpunta kami sa Science Department at nakita ko kayo ni Ma'am.

Nakacouple shirt kayo. Parehas kayong nakapolo shirt na color blue.

Napawi ang mga ngiti ko.

Expected ko na kasama si Ma'am pero hindi ko inaasahan na couple sila ng damit.

Nagulat ako, hindi ako makapagreact.

Napatingin na lang sa akin ang dalawa kong kaklase.

Sumakay na kami ng bus. Magkatabi sila. Hindi ko alam, akala ko ay magiging masaya ang araw na 'to ngunit hindi pala.

Buong byahe ay seryoso lang ako. Walang emosyon. Parang namanhid ako.

Nung makarating na kami sa venue ng contest ay nahilo ako. Nahilo ako sa byahe.

Nakita ko ang nag aalala niyong mukha Sir.

Nakita din ako ni Ma'am.

Tinanong niyo ako kung kaya ko pa ba? Kung ayos lang ako.

Gusto kong tumalon sa tuwa. Kinilig ako dahil sa pag aalala niyo.

Tinanong din ako ni Ma'am at inabutan niya ako ng candy.

Nagtungo kami sa restroom. Nasusuka talaga ako, nalamigan ata ang tyan ko.

Pagtapos namin sa banyo ay sinalubing niyo kami.

Tinanong niyo ulit ako.

Salamat Sir. Salamat dahil may pake ka sa akin, kahit bilang guro. Masaya ako na may pake ka Sir.

Kumain muna tayo ng almusal sa venue. Malaki ang canteen nung school. Sabi mo ay bumili na kami tapos kayo na ang magbabayad.

Tabi kayo ni Ma'am habang kumakain. Tapos narinig ko kayo kanina, tinanong niyo si Ma'am kung anong kakainin niyo.

Hay. Napabuntong hininga na lang ako.

Pagtapos kumain ay nagtungo na tayo sa isang silid kung saan nandoon na ang mga contestant sa defence.

Binigyan mo kami ng mga encouraging words.

Kinabahan kami nung mismong contest na. Magagaling ang mga kalaban namin ngunit ginawa namin lahat ng aming makakaya.

Nung natapos kami ay pinag uusapan ka namin. Sabi namin ay itetext ka namin.

Ako ang nagbigay ng number niyo Sir. Alam niyo na dakilang stalker, alam ko ang number niyo.

Tapos bigla kayong sumulpot.

Sabi niyo ay kakain na ng tanghalian.

Makatabi ulit kayo. Edi kayo na magpatabi.

Dala dala mo Sir ang isang tray kung saan nakalagay ang pagkain niyong dalawa.

Tapos habang kumakain ay sumusulyap ako sa inyo.

Hay, kayo na bagay.

Tapos napatingin kayo sa amin nung narinig niyo ang pangalan niyo. Sinabi kasi nung classmate ko na may gusto ako sa inyo doon sa mya kasama namin.

Syempre nakakahiya.

Tapos ayun nalaman na yung resulta. Talo. Mas lalo akong nalungkot.

Tapos nung pauwi na, nakita ko kayong natutulog.

Ang cute mo matulog Sir. Para kang anghel.

Pasulyap sulyap ako sa inyo habang natutulog kayo.

Pero akala ko ay sasabay kayo pauwi, akala ko dadaanan pa kayo sa school. Pero umuwi na kayo ni Ma'am ng sabay.

Napakalungkot ng araw na 'to.

Sobrang sakit.

Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa sakit.

Siguro ay mali. Mali na magkagusto ako sayo Sir.

Maling mali.

Napag isip isip kong mali ang magustuhan ka Sir.

PS. Ang sakit.

Love,
Yan

Dear SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon