32

1.4K 43 1
                                    

Dear Sir,

Kamusta ka na Sir?

Ang boring ng bakasyon.

Kamusta ang pasko mo Sir? Ako ito Sir, ayos lang. Masaya naman, lalo na kapag nakatitig ako sa phone ko<3

Ako pala ang nag uwi ng tarp haha! Gusto ko sanang idisplay sa kwarto ko kaso baka may makakita.

Habang nagffb ako, nagulat ako ng lumitaw sa notification ko ang pag accept niyo sa friend request kosa fb!

WAHHHHH! Para akong kiti kiti dito sa kama ko dahil sa sobrang kilig!

YES! SA WAKAS! FRIENDS NA TAYO SIR SA FB!

So ayun, stalker mode ako haha!

Nalaman ko lahat ng mga impormasyon na nasa fb niyo.

Kung gaano ka sweet Sir.

Kung ano yung mga mahahalagang araw para sayo Sir.

Yung mga bagay tungkol sa inyo ni Ma'am.

Yung mga bagay na gustong gusto ko malaman kahit masakit.

Masaya akong malaman lahat yun, pero may part sa puso ko na nasasaktan. Hinihiling na sana ako na lang si Ma'am.

Na sana ako na lang siya. Pwede bang ako na lang siya? Para tayong dalawa na lang?

Pero naisip ko, hindi dapat ako lumagpas sa linya.

Hanggang dito lang ako at kailangan kong tanggapin yun.

Napatingin ako sa lock screen ko at napangiti.

Okay na ako basta may picture tayo Sir! :)

Sana masaya ang New Year mo Sir!

P.S I LIKE YOU SIR! Happy New Year!

Love,
Yan

Dear SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon