13

1.8K 64 3
                                    

Dear Sir,

Sinusundan ko kayo ng tingin kahit nahihilo na ako dahil pabalik balik kayo sa magkabilang black board namin.

Sabi ng isa kong classmate ay baka daw po matunaw kayo kakatitig ko.

Kasalanan ko bang napako ang mga mata ko sa inyo Sir?

Hay patuloy lang ako sa pagtitig at pakikinig sa inyo.

Kinabukasan ay nakita ko kayong nakasuot ng bagong polo.

Shems! Napatili ako sa may upuan ko. Pakiramdam ko ang pulang pula ang mukha ko.

Mahina lang yung tili ko pero narinig iyon ng mga katabi ko.

Bagay na bagay sa inyo ang bago niyong polo.

Ang hirap pigilin ng kilig.

Tapos biglang sumigaw yung classmate ko. "Sir! Ang gwapo niyo daw po sabi ni Yan!"

Nahampas ko tuloy yung classmate ko. Ipagsigawan daw ba! Buti hindi narinig si Sir.

Tapos yung classmate ko tawa ng tawa dahil sa reaksyon ko.

Kitakits bukas Sir.

Love,
Yan

Dear SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon