Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part two)

Start from the beginning
                                    

Bawat sipa at bawat suntok na ipinapakawala ko ay tumama sa mga kaawa awang kalaban. Noong una ay nanibago pa ako sa bagong stratehiya na ginagawa nila sa pakikipaglaban pero hindi naglaon natutunan ko rin itong sabayan. Bukod pa roon, sa tuwing nagkakatabi kami ni kuya Niel, back to back kaming nakikipaglaban katulad ng ginagawa namin sa training namin kay Lady Magdaleine. It was one of those moments that I feel, I really do have my brother again. 

Di kalayuan ay iyon din ang ginagawa ni Jace. Sa bawat sipa at galaw ng mga paa nya, wala ni isa ang nakakalapit sa kanya. Sa mga galaw nya at tindig, he looks deadly and ready to kill. 

May sumugod sa likod ko at dali dali ko itong pinatikman ng isang double side kick. Sa bawat pag-ikot na naghahatid ng isang malakas na atake, naaalala ko ang pagsayaw na ginawa namin nila Clarisse noon. Kung saan ganito lang kadali ang mga moves nya sana, madali ko itong namaster ng walang kahirap hirap. 

Patuloy kami sa pag-abante habang walang katupasan na bumabawi sa atake ng mga nadadaanan namin. Ang nag-iisa naming goal ay mapuntahan si The Highest sa lalong madaling panahon. Mga tuta pa lang ang nasa harapan namin, hindi pa namin nakakaharap ang big boss. 

Noong narating namin sa isang malaking pintuan, halos nalinis na namin ang buong paligid. Kanina lang ay ang daming tao, ngayon, kami na lang natitira roon. 

"Ayos lang ba kayo?" tanong sa amin ni Jace. Katulad ko at ni kuya Niel, hindi man lang kami pinagpawisan. 

"Masyado silang madali at marupok. Ito na ba ang gang na ipinagmamalaki ni The Highest?" sarkastikong sagot ni kuya Niel. Masaya ako na kahit papaano nakukuha nya na ulit na magbiro. 

Naghiwahiwalay kami ng iba naming mga kasama. Mabuti na lang at mapapakinabangan ang device na ibinigay sa amin ni Nathan kanina. Dito kami tahimik na nagcocontact-an sa isa't-isa. Sa ngayon, kami nila kuya Niel at Jace na lang ang magkakasama.

Hindi kami dumaan sa pinto kundi sa mga sira sirang bintana nasa paligid. Halos naulit ang ginawa namin kanina. Malakas sila pero madali namin silang napatumba  Saka lang nag-umpisa ang tunay na laban noong may tatlo katulad naming nakahood ang humarang sa amin. Gayunman, kapansin pansin ang mga numero na suot nila sa katawan. 

Si number 5, 6 at 7.

"Kanina pa namin kayo hinihintay. Pagod na ba kayo? Dito pa lang mag-uumpisa ang laban." 

Nakita ko ang ngisi sa labi ng isa sa kanila na may dalang numero 7. Tulad namin ay nakasuot din sila ng itim na balabal. Kumpara sa suot ni Jace, mas itim ang kanila. 

Alam nila ang pagdating namin. Sorpresa sa mga nauna pero mukhang hindi sa kanila.

Mabuti. Naisip ko na rin ito.

Isang maliit na ngisi ang sumilip sa labi ko. 

"Ellipses," sambit ni number 6 na akala mo ay lason ito sa dila nya. Itinuro nya ako na syang nasa gitna. "Ikaw. Nakita na kitang makipaglaban. Natatakpan man ng balabal yang mukha mo alam ko, ikaw si GClef!" 

Hindi ko mapigilan ang sarili na mapataas noo. Sya si number 6, yung kasama ni number 3 na nagtangkang kunin si Jace sa bar noon. 

"Pinatay mo si Tats! Isa kang halimaw. Magbabayad ka. Magbabayad ka!" 

Tinanggal ko ang hood sa mukha ko. Hindi pa man ako umaabante pero nakita ko syang umatras. Sa lamig ng mga mata ko sa harap nila, narinig ko ang tahimik nilang pagsingap. 

Hindi napansin ni kuya Niel ang ginawa ko dahil may sarili syang laban na kinahaharap. Ang pakikipaglaban nya sa sarili. 

Namumuo ang mga kamao ni kuya Niel sa galit. Alam ko ang iniisip nya, gusto nyang tapusin ang tatlong ito ngayon din dahil sa ginawa nila kay mama.

Listen To My HeartWhere stories live. Discover now