Chapter 13 ♥ Foreshadow

44.1K 473 43
                                    

Chapter 13

Whoosh! May narinig akong mabilis na paggalaw. Bumalikwas ako at naghanap ng magandang pwesto para bumalik sa akin ang antok. Whoosh! Iniba ko ang pwesto ng paa ko pati na ang kamay ko. Whoosh! Bumalikwas ulit ako pakanan. Whoosh! Napakunot noo ako. Ano ba yung naririnig ko at istorbo sa pagtulog? Whoosh! Mabilis kong iminulat ang mga mata ko kasabay ng pagkrus ng dalawa kong kamay para maiwasan ang isang malakas na atake. 

Teka kaumaga umaga bakit-- 

"Yaaah!" nagpagulong ako sa kama pababa sa may sahig. Si Nyree at Kelly pala. Urgh. Seriously? Hindi pa rin nagbabago. 

Unang umatake si Nyree pero agad ko syang naitulak palayo sa akin. Sumunod naman si Kelly na dalubhasang sumirko bago ako sinipa at inatake ng suntok. Hinila ko ang kumot sa higaan ko at ginawang shield sa sipa nya. Mabilis ko itong ipinulupot sa paa nya at itinulak sa may higaan. Umabante ulit si Nyree para tulungan ang kapatid pero sinipa ko ulit sya palayo. Pinagulong ko si Kelly sa mga kumot hanggang sa magmukha syang turon. Para syang uod na pilit na kumakawala roon kaya natatawa ako sa itsura nya. Pinalo ko sya sa may pwet at saka muling hinarap ang kapatid nya. 

Pinakawalan ni Nyree ang isang napakalakas na suntok. Sinangga ko ito gamit ang kamay ko. Inikot ko ang kamay ko sa paligid ng kamao nya at napangisi. Pataas... pataas lang ng pataas ang kamay ko hanggang sa umabot sa may braso nya at madiin syang hinawakan. Pero nagulat ako ng mabilis syang nakawala. Umikot sya at muli akong hinarap. 

"Nice!" 

"Thanks master" kindat nya bago ako walang pakundangang inatake ng nakamamatay nyang suntok. Tumakbo ako sa may higaan at saka dito tumuntong. Sipa at suntok ang madalas nyang ginagawa samantalang ako ay puro sangga lang at atake pabalik kapag kailangan. 

Hinawakan ko ang magkabilaan nyang braso nung nakakuha ako ng tyempo. Ginamit ko ito para makapagsirko na parang isang cheer leader bago tahimik na muling lumapag sa may sahig. Nagulat sya sa ginawa ko kaya hindi sya agad nakapaghanda. Nagpadausdos ako sa may sahig at tinuhod ang likod ng tuhod nya kaya napaluhod sya. Pilit pa syang lumaban pero nahuli ko ang kamay nya at inilagay sa likod nya. 

"Game over." bulong ko sa tenga nya. Nakita ko kung paano humaba ang nguso nya pero hindi ko 'to pinansin at itinulak din sya sa may kama katulad ng kapatid nya. Pinalo ko ang pwet nya at ganun din si Kelly na hindi pa rin makaalpas sa mga kumot na bumalot sa kanya. 

"Ang daya!" simangot ni Kelly "ate master bakit ako dalawang palo si Nyree isa lang?" reklamo nya. Kumawag kawag sya sa may kumot na parang uod para makakawala pero hindi nya magawa.

"Ay unfair ba?" pinalo ko ulit ang pwet ni Nyree. 

"What? Bakit naman ang lakas ate! Ang daya! Bakit kay Kelly hindi!" daing ni Nyree. 

Pinalo ko ulit si Kelly pero nagreklamo kaya pinalo ko ulit si Nyree pero reklamo lang din ulit ang narinig ko. Palo sa pwet ni Nyree, Kelly, Nyree, Kelly at pabalik balik hanggang sa pinapak ko na sila ng puro palo. Napakatigas kasi ng ulo ng mga batang 'to. 

"Ayan fair na?" tumayo na ako ng maayos at pamewang silang tiningnan. Bumubungisngis sila ng tawa na parang kinikilig kilig na teen ager dahil sa natamo nilang palo. Ang palo kasi na yun ay nauwi sa puro kilitian lalong lalo na kay Kelly na trap pa rin sa kumot na pinanggulungan ko sa kanila.

Umupo si Nyree at humalukipkip. May mahabang nguso sa cute nyang mga labi tulad kanina. 

"Ate paano mo nagagawa yun? Tulog ka na't lahat pero naiiwasan mo pa rin yung mga atake namin?" 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon