A Letter To The Reader ♥

17.3K 344 120
                                    

PARA SA AKING MGA TAGAPAKINIG  paano ba yan, tapos na tayo sa book 2. Book 3 na tayo! Sa mga nagtatanong kung may book 3 matagal na sa kwentong ito, pasensya na kung hindi ko kayo sinasagot sa kadahilanang gusto ko syang maging surpresa para sa inyo :) Pangarap ko talagang magkaroon ng TRILOGY at heto na! I'm halfway done sa pangarap na iyon dahil magbobook 3 na ako!! At sa pangarap na iyon ay kasama ko kayo. Thank you.

Hindi nyo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon. Halos dalawang taon ko ring sinulat itong LTMH at hindi ko akalain na aabot iyon ng ganun katagal. Kapag tinitignan ko rin kasi sa LTMS (which is yung book 1) kumpara sa LTMH mas marami itong pasikot sikot, mga sikreto, mind boggling twists at marami pang iba. Doon din siguro talaga ako natagalan, sa pag-iisip. At nakakatuwang isipin na kayong mga readers ko eh habang tumatagal mas lalo na ring nagiging wais. READ BETWEEN THE LINES -- ang palagi kong mantra sa inyo. Minsan napapakamot na lang ako lalo na yung mga readers na nakakahula ng mga naiisip kong mangyayari, dapat pala hindi ko na lang sinabi iyon. Dapat pala pinanatila ko na lang na tikom ang bibig ko. Habang tumatagal tumatalino at tumatalino na kayo at congrats! (LOL) Kaya ngayon ito ang isa sa pinakamalaking challenge sa akin sa book 3, kung paano ko kayo mauutakan ulit (Charot! xD) Kung paano ako makakapagtago ng mga clues at sikreto nang hindi nyo mapapansin. 

(Revelation 101: Paano kaya kung sirena pala si Serene noh? Oh diba! Malaking twist yun? HHAHAHAHAHAHAHAHAHAH joke.)

Pero ang isa sa mga natutunan ko sa paglalagay ng mga unexpected revelations at ang rule na 'READ BETWEEN THE LINES' -- napapansin nyo man sa sarili nyo o hindi pero, mas naging interactive kayo at talagang mas nagpapay attention na sa mga binabasa nyo and that's good. Dahil iyan ang isa sa mga importanteng bagay na mayroon ang mga tunay na 'reader'. Yung nakikinig. Yung talagang nagbabasa. Hindi lang yung pinapadaanan lang ng mata para matapos. Ang happy for all of you. That's an improvement :) 

Though alam ko naman na tulad ng tao rito sa mundo, ang mga kwentong sinulat ko ay hindi perpekto (for example, maraming grammar error, wrong spellings, punctuations at marami pang iba) nagpapasalamat pa rin ako sa mga Listeners na hindi ako iniwan magmula sa simula hanggang dito. Thank you, thank you!! Tandaan nyo tulad ng nakakararami rito sa wattpad, beginner lang din ako. Malayo pa ang lalakbayin ko para maging "PRO" kaya sa mga pagkakamali ko na nakita nyo sa mga nagdaang chapters, I will try my best sa mga susunod pang mga kwento. I'm still learning. And I'm loving it. 

Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga nagvovote, nagfofollow at mas lalong lalo na ang mga nagmemessage sa akin privately man, through MB o kahit pa sa lahat ng mga active na nagcocomment. MARAMING SALAMAT SA INYO!! 

(Kung tatanungin nyo ako kung anong pangalan ng Series ng kwento ni Serene heto iyon "The GClef Song Trilogy/Series" so kapag nakita nyo akong sinasabi yan, alam nyo na ang tinutukoy ko ay yung kalahatan na, simula book 1 hanggang 3)

The G-Clef Song Trilogy

Book 1: Listen To My Song (LTMS)

Book 2: Listen To My Heart (LTMH)

Book 3: Listen To My Lullaby (LTML)

Kung sa book 1 pinag-usapan natin ang KANTAHAN

Sa book two naman ay pinag-usapan natin ang tungkol sa PUSO

Sa book three doon na magtatapos ang lahat. Excited na ba kayo? :) Lahat ng mga katanungan na hindi ko nasagot sa book 2 ay doon ko sasagutin. Wag kayong mag-alala babalik si Serene. Aahon sya at dudurugin kita ang peg nya sa book 3. Kaya don't panic!! ^O^)/

Kung tatanungin nyo ako kung kailan ko sisimulan ang book 3 hindi ko pa alam. Tingnan natin that's why u all need to watch for announcements ;) Sa ngayon ay ifofocus ko muna ang sarili ko sa TSR. Abangan ko kayo roon ah, see u there! ;) 

Sa totoo lang marami pa akong gustong sabihin pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Basta MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYO. Sa lahat ng mga listeners ko mapa active man o silent reader MAHAL KO KAYO!! 

 And for a synopsis for Book 3, click the external my Listeners :) ♥

Keep inspiring everyone and OLE!

P.S. Don't forget to answer the questions (posted above) in the comment box. I love to read long messages. Kaya sa mga silent readers, dito kayo makakabawi! Ibuhos ang nararamdaman nyo! xD Mwuah!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon