Chapter 47 ♥ On the Hunt

24.2K 360 110
                                    

A/N: 

Halos katuloy ito ng last UD :) Isa na namang long update Listeners! Ayoko na kasing hati-hatiin eh para mas masaya at para tuloy tuloy ang pagbabasa nyo ng walang hassle! :D

Tungkol sa traitor at sa marami pang bagay na hanggang ngayon ay wala pa ring mga sagot... konting tiis pa. Sa huli maipagtatali tali rin natin ang lahat ;)

At dedicated sa kanya ito :) Thank you dear sa napakahabang comment noon sa chapter 45!! Whoa, whoa WHOA!! Yun ang una kong reaksyon noong nakita ko yun! Maraming maraming salamat talaga! Thank you for being one of my readers. With lots of love from me! Mwuah!

Enjoy Listeners!!  

♥♥♥

Chapter 47

Nagtuloy tuloy pa ang kwentuhan hanggang sa nagulat na lang kami na bigla na lng sumulpot ang dalawang ugok, namely, Rico at Nathan. Iyon pala hindi ito sorpresa. Tinext sila ni Jace at niyaya rito sa bahay. Kung kanina hindi pa gaanong maingay, ngayon kabaliktaran na dahil malakas na biruan nila Nathan at Rico. Dumating rin unexpectedly sila Niel at Julian na galing sa target shooting na pinuntahan nila. Mabuti na lang at may dala silang take-out foods tulad nila Reece kanina. Halos maubusan na kasi kami ng pagkain. Kay Rico pa lang, kulang na.

Napuno ng napakalalim na tawanan sa loob ng bahay dahil sa mga lalaking nagsama sama. Magkasama kami ni Reece since kaming dalawa lang ang babae. Hindi kami makarelate sa mga kasama namin kaya nagsarili na lang kami. Iba rin naman kasi ang topic namin.

Una kong tinanong sa kanya kung kamusta naman sila ni Shane. Sabi nya masaya raw sya. Mabait si Shane at maalaga. Huminga ako ng napakalalim at saka sila binati na masaya ako para sa kanila. She deserves it. Shane deserves her.

Niyakap ko sya. Binura ko na sa isip ang mapagdudang hinala na sandaling sumagi sa akin kanina. Bakit ko paghihinalaan si Reece? Sya na lang ang nag-iisang girl bestfriend ko matapos mawala si Sharie. Ayokong pati sya mawala sa akin dahil lamang sa maling akala.

Wala pang ilang sandali ay dumating na rin sila mama kasama sila Nyree, Kelly at ate Desi. Sa hindi inaasahang araw, hindi ko akalain na mabubuo ulit ang buong barkada. Ngayon hindi na kami nag-iisa ni Reece, apat na kami nila Kelly na nagkwekwentuhan. Minsan nakikieksena rin sa amin si Rico na panay ng pangungulit sa amin pero since nasimulan na ng mga guys na maglaro ng videogames sa may sala, pabalik balik na ang atensyon nya mula sa amin at sa kanila.

Kami namang mga girls sa ikalawang banda ay nagkayayaan na tumambay sa music room. Dito ay nagsikuhanan kami ng kanya kanyang instrumento at nagjamming. Ang ingay ingay namin, ginawa naming concert ground ang buong kwarto. Tapos sinabayan pa namin ng radyo sabay pakunwaring dub sa pagkanta. Todo rock 'en roll na kami sa kakatalon, kakakanta at kakatawa.

"Ate louder! Louder! Louder!" Tudyo nila sa akin sa kakaconcert ko. Gamit ang hair brush ko bilang mikropono, napapaayos na ako sa pagsabay sa mataas ng nota ng kantang 'Alone'. Kanina kami ang tumutugtog pero nsgsawa na kami kaya radyo na lang. Sa pagtatapos ng kanta rito, tawa kami ng tawa dahil sa pagkapaos ko. Nauubo kong inabot kay Reece yung mic--este brush pala.

"Your turn." umubo ako. "Save me for the next song s'il vous plait!"

"Oui,oui, madamemoiselle.pabiro sya nagcurtsy sa akin at maluwalhating kinuha ang kunwaring mic mula sa kamay.

'I will survive' na kasi ang sumunod na kanta. Hindi ko na yata kakayanin kung isa pa. Hindi ako makakasurvive!

Para kaming nagkakaraoke. Patalon talon, pasisigaw sigaw. Parang may sariling night club ang bahay. Mabuti na lang at soundproof ang loob ng music room dahil kung hindi, yung mga kasama naming lalaki sa labas? Mapagkakamalan na takas kami ng mental dahil sa kalokohan namin.

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon