Chapter 59 ♥ Confusion

19.2K 492 243
  • Dedicated kay ToMyListeners
                                    

Chapter 59

Madaling araw na noong humupa ang pag-ulan. Sumukay kami sa private chopper ni Jace at doon tahimik na nanalangin habang binibilang ang bawat minuto na lumipas. Nanginginig ako. Natatakot... sa maaaring kong madatnan kapag nagkataon. 

Paano nila nagawa sa amin ito? Paano?

Kahit pa si Jace hanggang ngayon ay ayaw na maniwala. Gayunpaman, halata sa mukha nya ang galit. Walang puwang ang kapatawaran sa mga tingin nya kung napatunayan na totoo nga ang hinala namin.

Sa buong byahe ay hindi nya binitawan ang nanginginig kong mga kamay. Hanggang sa makauwi kami at makarating sa bahay ay ganun magkahawak kamay pa rin kami. Malaki ang pasasalamat ko na hindi nya ako binibitawan dahil sa pagkakakita ng bahay namin na animoy dinaanan ng isang delubyo-- pakiramdam ko babagsak na ako sa kinatatayuan ko. 

Napakaraming bakas ng dugo. Ang mga sofa ay nagsibaliktaran na akala mo ginawang shield sa isang naganap na bakbakan. Puno ito ng butas ng tama ng baril, ganun din ang mga dingding, pinto at kahit pa ang mga frames na nakasabit sa gilid. Parang isang bangungot lang...parang isang panaginip na hindi ko hihilinging mangyari. 

"S-sila mama," naaalarmang kong sambit noong tumingin ako kay Jace. Dali dali akong umakyat papunta sa hagdan pero hinila nya ako pabalik sa tabi nya.

Itinapat nya ang isang hintuturo sa may labi. Hinawakan nya ako sa braso habang pinapanatili na nasa likod nya lang ako. Tikom ang mga labi namin habang nakikiramdam at tahimik na nakikinig sa paligid. May narinig kaming marahan na kalabog sa taas. Sabay kaming napatingin doon ni Jace. Hinila nya ako ng mas malapit pa sa kanya. Sya ang nauna na umakyat sa taas. Dahan dahan...nakasunod ako sa likod nya.

May kinuha sya sa may bandang likod. Isang baril na marahan nyang ikinasa at hinawakan malapit sa dibdib. Pakiramdam ko para kaming isang magnanakaw sa sarili naming pamamahay. Tahimik na gumagalaw...natatakot na may makahuli.

Patuloy ang kalabog na naririnig namin, kasunod nito ay ang yapak ng mga paa. Sa pagsampa ng huling paa ni Jace sa dulo ng hagdan, itinutok nya agad ang baril sa may kaliwa. Taas kamay naming nakita si Deck. Puno ng takot at alarma ang mga mata nya.

"W-wala akong g-gi-ginagawa." nalingat ang tingin nya sa akin. "Shay! Sa wakas nandito ka na rin!"

Lumabas sa isang kwarto si Andrei, may hawak hawak syang martilyo. Lalapit sana sya sa akin pero tinutukan din sya ni Jace. Aksidente nyang nalaglag ang hawak na martilyo sa paa nya dahil sa takot. Napahiyaw sya sa sakit habang sinasapo ang paa.

"Deck? Andrei? Bakit kayo nandito?" naguguluhan kong tanong. Humakbang ako pero hinarang ni Jace ang dadaanan ko. Likod nya ang nasa harapan ko.

"Anong ginagawa nyo rito?" kalmado ngunit seryosong tanong ni Jace. Sa tono nya para bang nagsasabi na maling sagot nila ay ang katapusan nila. Hindi ko man nakikita pero ramdam ko ang talim ng mga tingin nya sa kanila. Isinisigaw ng buong katawan nito ang aura na kapag sya ang kinalaban, wala syang sasantuhin.

Unang nagsalita si Deck, nakataas pa ang mga kamay nya habang ilang beses na napalunok bago nagkaroon ng lakas ng loob na ibuka ang mga labi nya.

"P-pumunta k-kami agad dito noong nalaman namin na sinusugod ng Black Savage ang Ellipses. Nandito kami para tumulong p-pero ito na lang ang naabutan namin. Hinahanap namin si Shay-- este Serene ay! GClef pala. Sorry po! M-may sasabihin sana kaming impormasyon t-tu-tungkol po sa traydor na pinapahanap nya sa amin."

Inilipat ni Jace ang tingin kay Andrei. Madali namang nakuha ni Deck ang tingin na iyon.

"Ginamit lang naming armas yan kanina dahil may naabutan pa kami ritong mangilan ngilan na Black Savage. W-wala po kaming gagawing masama. K-kung gusto nyo sa inyo na ito," pinulot ni Deck ang martilyo at saka inilagay sa paanan ni Jace. "Wala po kaming gagawing masama! Wala. Maniwala po kayo sa amin."

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon