Extended Ending: Part One

3.8K 109 12
                                    

Story Extension Part 1: College Life

//

Serene.

"Ate! Nandito na si Kuya Jace!" Tawag ni Kelly sa akin na nasa pintuan sa harap.

"Oo, oo. Ito na. Bababa na!"

Kung bakit kasi naparami ang mga gamit na nilagay ko rito sa maleta ko, hindi sana ako naghihirap ngayon na magbuhat. Pinagmasdan ko ang hagdan na bababaan ko. Kung ipa-slide ko na lang kaya itong maleta? Hayaan mo siyang mag-rolling in the deep mag-isa para awtomatiko na itong nasa baba pagkatapos ng isang kisapmata.

"Ate!"

"Oo na. Heto na pababa na talaga!"

Ah. Bahala na. Bubuhatin ko na lang.

May isang kamay ang humawak sa handle ng maleta ko. Isang kamay na pamilyar na pamilyar na sa akin. Isang kamay na kay lakas, binuhat niya ang mabigat kong maleta ng walang kahirap-hirap.

"Ano bang laman nito? Bato?"

Pabiro kong sinuntok ang balikat niya. "Sira. 'Di ba nga magkakaroon na ako ng sarili kong apartment para sa college kasama si Clarisse? Excited na ako!"

"Weekdays lang naman. Uuwi ka rin sa bahay nyo ng weekends pero itong dala mo parang wala ka nang balak umuwi kahit kailan."

Sinabayan ko na siyang bumaba ng hagdan. Hindi ko maitago ang tuwa at sabik sa aking mukha.

"Siyempre parang isang balikan na lang 'yung pagpunta natin dito sa bahay. Hassle pa sa'yo. Naiistorbo na yata kita kakarequest ko sa'yo."

"Wala namang problema 'yun."

"Meron kaya. Ang layo ng byahe Jace."

"Three hours? Kahit 10 hours pa 'yan. It does not really matter." Ibinulsa niya ang isang kamay at inilapag na sa baba ang mabigat kong maleta na akala mo isang maliit lang na handbag ang bigat sa kanya. "Ito na ba lahat 'yun?"

"Yes!"

"Hindi ka rin excited ano?"

"Hindi naman. Slight lang!" Pero kung makatalon-talon ako sa harap niya ay para akong kinikilig na fan sa harap ng kanyang iniidolo.

May maliit na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Sa suot niyang simple na polo shirt at brown corduroy short na ipinares niya sa itim at puti niyang sneakers, Jace Alvarez is just really the stylish guy without effort. Siguro isang malaking bahagi na nu'n ay kung paano niya idala ang sarili. He stood with such confidence, kahit 'yang simpleng pagtayo niya sa harap ko ay sadyang agaw tingin na.

"Jace kotse mo ba 'yung nasa labas?" Nakita kong pumasok si Kuya Niel, dala niya ang susi ng kotse na marahan pa niyang pinapaikot sa kanyang mga daliri. "Ilalabas ko sana 'yung kotse ko sa garahe ang kaso nakaharang sa may gate. Do you mind if you could move it? May pupuntahan rin kasi ako."

"Yup. I'll be there in a second." Iniangat ni Jace ang isang kamay sa akin at binuhat na sa kabila ang maleta ko na inilapag niya. "Halika na."

"Saan kayo pupunta?"

"Doon sa bago kong apartment!" sabik kong sagot kay Kuya Niel.

"Ooh."

"Masyadong excited ang kapatid mo kahit next month pa naman ang pasukan para sa college."

Tumawa si Kuya Niel. "Naku kilala mo naman 'yan. Late kung late pero kung maaga, sobrang aga naman. There is no in-between with Serene Lopez."

"Hello? Nandito po ako. Kung makapag-usap kayo parang wala ako ah."

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon