Chapter 23 ♥ A game of no turning back

36.1K 432 107
                                    

Happy 115,000+ reads LTMH and 3,769 followers! Whoa! Maraming maraming salamat Listeners! Mabuhay kayo! :D 

And maraming salamat sa mga nagsupaaaaah loooong comments sa last UD!! Kinikilig ako sa inyo sa mga comments at opinyon nyo :"> Maraming salamat sa mga nagtake ng time para sagutan yung question. Napangiti nyo ako grabe. Pero sa lahat ng nagcomment yung comment nya ang nagstand-up sa akin kaya sa kanya dedicated itong chapter na 'to. Maraming salamat talaga dear! Godbless and keep inspiring! 

♥♥♥

Chapter 23

Jace's POV

Iniikot-ikot ko ang ballpen sa mga daliri ko, titingin sa oras at saka makikinig ulit sa kung sino man ang nagsasalita at nagprepresent sa harap. Kanina pa tapos ang presentasyon ko. Si Pietr na ang nagsasalita sa harap. 




Tumingin ulit ako sa relo na suot ko. Hindi pa ba sya matatapos? 

"...and those are the reasons why I'm eligible enough to take a hold of another ten percent shares of this company. Thank you for listening everyone." Inihinto ko ang pagpapaikot ng ballpen sa mga daliri ko. Hinawakan ko ito ng mahigpit. Tiim bagang ko syang sinundan ng tingin.

Nagpalakpakan ang lahat ng nasa loob pagkatapos ng ginawa nyang presentasyon. Mukhang mahihirapan yata ang board council sa pagboto. Ako o si Pietr? Sino ang pipiliin nila?

Marami akong narinig na bulong bulungan kung kanino sila panig. Ilan pang sandali nagsimula na ang botohan. Sa labing dalawang myembro ng board of trustees na nasa loob, lima ang bumoto kay Pietr at ganun din sa akin. Ang natitirang dalawa kasi ay undecided pa. 

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at saka sumandal sa inuupuan kong swivel chair. Bakit ba kasi ang tagal nilang magdesisyon? Masyado lang pinapahaba ang oras. Naiinip na ako. 

"My vote is for Pietr." maya't maya ay taas kamay na boto ng isa sa mga board of trustees na undecided kanina. Anim na ang kay Pietr at lima ang sa akin. Huminga ako ng napakalalim. Isa na lang ang pag-asa ko. Kung kay Pietr pa nya ibibigay ang natitirang boto, si Pietr na ang magiging bagong chair holder ng kumpanyang ito. 

Sa bawat minuto na lumipas, tanging ang paulit ulit tick tock ng orasan ang naririnig ko. Nagtaas na ng kamay ang natitirang myembro ng board of trustee, handang handa na para sabihin kung sino ang iboboto nya. Ipinagdaop ko ang dalawang kamay ko at saka hinigpitan ang pagkakahawak dito.

"My vote is for..."  Pigil hininga ko syang tinitigan hanggang sa ibuka nya ang mga labi para sabihin ang boto nya. 

"Jace Alvarez." 

Ipinikot ko ang mga mata. Para nabingi ang mga tenga ko dahil sa narinig. Kulang na lang ay mapa-yes ako ng napakalakas sa kinauupuan ko dahil sa reyalisasyon na ako pala ang binoto. Buti na lang. 

"That means we have a tie" sabi ng nagsasalita sa harap. "As you all know, Mr. Tolentino, is currently on leave because of a month vacation. Sya ang may hawak ng desisyon kung sino ang iboboto nya para maging bagong chair ng pinakamalaking stocks percent ng buong kumpanya. It's either Jace or Pietr. The decision is up to him."

Tiningnan ko si Pietr. Sobrang relax nya at may pangisi ngisi pa nalalaman na para bang makakatulong yun sa pagkapanalo nya. Ikinuyom ko ang kamay ko. Kung pwede lang burahin ang mga ngiting yun ginawa ko na kanina pa. Sa presentation nya kanina halatang may pinatatamaan sya. Lahat ng patutyada nya sa akin pinatatama. Wala namang mangyayaring urgent meeting kung hindi sya ang nagpasimuno. Kung tutuusin halos magkapantay na kami pagdating dito sa kumpanya. Ang masakit hindi pa sya makuntento roon dahil pati ten percent shares ng natitirang fifty percent ko ay inaangkin din nya. 

Listen To My HeartWhere stories live. Discover now