Chapter 7 ♥ Ellipses And Their Feather Tattoo's

53.1K 561 35
                                    

A/N: Alam kong excited na kayo sa next UD kaya hindi ko na patatagalin! :D

Isang bonggang *kawaiiii*kawaiii* nga pala sa isa sa aking mga reader na si unseenflower08!! Hello dear!!! ^O^)/ 

And this chap. is dedicated to kay GAUDINSKO16!! Dahil sa isang album ng banner ng LTMH na ginawa nya para sa akin! Aba mukhang hindi na ata ako mauubusan ng supply nyan BWAHAHAHA Mabuhay ka!! At maraming salamat sayo dear!! <3

Panu ba yan. Enjoy Listeners!

Don't forget to VOTE and COMMENT ok?

And of course SPREAD THE LOVE ;)

Three more freakin' days before Summer! But who's counting?

YEAH! 

***

Chapter 7

Ano kaya ang gagawin ko? Manonood ng tv o matutulog? Tutugtog ng piano o magdradrawing? Gagawa ng ilang mga paperworks o magpipinta? Ugh. Minsan ang hirap mamili kung ano ba talaga ang gusto mo sa ano ang kailangan mo. Ang dami kong gustong gawin pero ni isa wala naman akong nagagawa. Napakagulo kasi ng utak ko hindi ko alam kung ano ang dapat unahin. Katamaran ko rin kasi napaka-unproductive ko minsan. Maitulog na nga lang.

*bzzzt*bzzzt*bzzzt*

Iginala ko ang aking kamay sa higaan kinakapa kapa kung saan nga ba nanggagaling ang tunog na yun. Nang makita ang hinahanap sa ilalim ng kumot na hinihigaan ko, binuksan ko ang cellphone at binasa ang message dito.

-'Morning panda :)' 

Napangiti ako sa text na natanggap. Kay ganda nga namang gumising sa umaga kung pagkagising mo pa lang ay text na ng galing sa mahal mo ang bubungad sayo. Simpleng text lang pero napapangiti na ako.  Muling nagvibrate ang cellphone ko kaya excited ko itong tiningnan umaasa na galing ulit kay Jace ang message. Pero hindi pala kundi

Text galing kay Attorney Reyes-- pribadong attorney ng pamilya namin

-'Serene I need you here to sign some paperworks and contracts. Meet me at this place...'

Hindi ako kokontakin ni attorney kung hindi importante. Tinatamad man ay bumangon ako sa higaan bago malalim na napabuntong hininga. Sigurado ang mga paperworks at kontrata na tinutukoy nya ay tungkol sa family business na ako ang nagmamay-ari. Tama kayo sa narinig nyo. May business ang pamilya namin na sa akin nakapangalan. Since wala pa ako sa tamang edad na labing-walo si attorney ang gumagabay sa akin. Sa yaman ng pamilya namin kakarampot lang kung maituturing ang binigay nila sa akin para pamahalaan ko.

-'Aye,aye captain! Be there in 20 minutes!' Reply ko sa natanggap na text bago dumiretso sa banyo at nagpalit.

*** 

"Attorney!" Tawag ko matapos makita ang taong pakay ko. Nandito kami sa isang coffee shop at walang gaanung tao. Masyado pa kasing maaga para gumala eh.

"Serene! Long time no see!"

Tumayo sya sa kinauupuan nya at sinalubong ako ng yakap. Si attorney, kahit gaano pa kalayo ang agwat ng edad namin tinuring ko na rin syang isang nakakatandang kapatid. Sa totoo lang hindi pa naman sya ganun katanda eh. Hindi sya nalalayo sa edad na tatlumpo kung ibabase mo sa itsura nya. Pero sa ganito kabatang edad hindi mo aakalain na isa sya sa pinakasuccessful na abogado sa buong Pilipinas.

"Ano kamusta na po attorney-- este Principal na pala! Malapit na ang pasukan ah. Handa na po ba ang Princeton Academy?"

"Ikaw talagang bata ka. Kailan ka ba matuto na tawagin na lang ako sa pangalan ko? Para namang hindi tayo magkakilala. Tumatanda ako sa kaka-'po' eh." Puna nya. Inayos nya ang upuan ko para makaupo ako bago sya umupo sa upuan nya.

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon