Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora II)

12.3K 354 89
  • Dedicated kay Katrina May Baui
                                    

~unedited

Chapter 68

"Ano ba 'tong pinasok ko?"

Pang labing isang beses ko na yatang nasabi ito habang nakatalulalang nakatitig sa repleksyon ko sa salamin.

"Itigil mo na iyang drama mo freak. Time is gold! Ano ba? Ang arte mo."

"Hindi ako maarte!"

"Hindi raw. Eh magmula noong makauwi tayo, kanina ka pa drama ng drama sa harap ko. Gosh. Nakakastress ah."

Humarap ako kay Clarisse. Of course, she is rolling her eyes at me. Iyan si Clarisse eh.

"Paanong hindi ako magdradrama eh gusto mong ipasuot sa akin ito bukas!"

Sa kamay ko ay ang isang seksing damit. Spaghetti strap na sando at napakaikling palda na konting yuko mo lang, kita na ang kaluluwa mo.

Sa may gilid ay narinig ko ang mahinang pagtawa ni Sophia.

"Duh. Ang haba na nga nyan eh. Anong gusto mo? Pang madre? It's for fashion! Goodness. Baka nakakalimutan mo sasayaw tayo at hindi pupunta ng kumbento."

"Eh bakit kailangang isuot ito?!" todo yuga ko ng damit sa harap nya. "Pwede namang magpantalon na lang, leggings o kaya yung iba pang disenteng damit. Hindi ito!"

Tama kayo sa narinig nyo. Ako. Sasayaw. Paanong nangyari? Ganito kasi yun.

Pagkatapos kong itanong kay Owen kanina kung ano ang gusto nyang gawin namin, sinsero man ang ngiti ngunit kaakibat pa rin nito ang mapaglarong ngiti sa labi nya.

"Gusto ko with a twist." sabi nya. "Gusto kong gawin nyo ang mga bagay na hindi nyo pa nagagawa noon. Anong kwenta nito kung kakanta lang kayo? Masyadong madali yun dahil alam na alam nyo na yun. Dapat paghirapan nyo rin dahil paghihirapan din namin ang gagawin namin sa inyo."

"So anong gustong mong gawin namin? Yung eksakto."

"Ikaw, ikaw, ikaw." Itinuro nya si Jace, Pietr at Niel isa isa na akala mo isang direktor sa harap ng team nya. "Gusto ko ng duet group songs mula sa inyo."

Nanlaki ang mga mata nila Jace. Sabay sabay silang umangal ng reklamo. Siguro alam nya na may tensyon sa mga pagitan nila. Pinagsama sama nya sila for the fun on his part.

"At ikaw aming reyna..." ngiti nya sa akin. "nagawa mo na ang yata lahat pwera ang pagsayaw. Kaya ngayon, iyon ang gusto kong gawin mo. I know it will be fun. Bukod sa normal na performance ng banda, may surpresa sa dulo. Isn't exciting?"

"Kung gagawin namin ang gusto mo...alam mo na hindi ka na makakalabas sa usapan na ito hindi ba?"

Ngumiti si Owen. "Alam ko. Kaya nga nilulubos ko na eh."

Ngumisi ako sa kanya. This guy really knew how to play his cards.

"Deal." itinaas ko ang kamay ko.

"Deal!"

At sa mga oras na yun mga kaibigan, naselyuhan ang kapalaran ko.

"Wag ka nang magreklamo. Isusuot mo yan bukas sa ayaw mo man o gusto." Inihagis ni Clarisse pabalik sa akin yung damit na hawak ko kanina. Sumabit ito sa mukha ko. Nanlalaki ang butas ng ilong ko sa inis sa kanya— sa nangyayari ngayon.

"Baka nakakalimutan mo pumayag ka. Paninidigan mo yan." sabi pa nya.

Pagkatapos magmake-face sa kanya ay malungkot kong iniladlad sa harap ko yung sando.

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon