CHAPTER 40 - VIDA MIA

15.4K 676 116
                                    

Namangha siya nang maubos ni Frahisto ang lahat ng mga laruang nakatayo. Sa kaniya lang ito nakatingin at parang nanghahamon sa kaniya. Agad hinagis nito ang toy gun sa staff na nagbabantay at halos 'di makagalaw sa nasaksihan.

"Ang galing! Pero mas magaling pa rin ang Maccabi baby ko." Agad siyang kumapit ulit sa lalaki.

Natatawang inakbayan naman siya nito at pinisil ang kaniyang pisngi. "Ako naman talaga lagi ang magaling sa mata mo, Goddess baby."

Nagkunwari siyang ngumiti ng matamis na matamis! Mainggit ka, Frahisto! "Yes naman. Kaya nga inlove na agad ako sa'yo unang araw pa lang. Ikaw talaga!"

"Talaga?" naglalambing na tanong nito.

"Oo no! Lika nga dito, iki-kiss kita!" kunwari hahalikan niya sa pisngi si Maccabi pero kamay ni Frahisto ang nag-landing sa labi niya. Nagtaas siya ng kilay na tumingin dito.

"Bawal maglandian dito."

Nagtawanan naman ang mga kaibigan nitong nagtutulakan. Hindi halatang kinikilig ang mga ito. Ang sagwa kasi, ang laki ng katawan at ang mamacho.

"Eh, bakit ikaw?"

"It's okay on my part. Jackylyn is my fiancée, aside from that... Kami ang nauna rito. Katunayan niyan, Odessa, nirenta ko ang buong amusement park para sa babaeng mahal ko dahil paborito niya ito."

Napakagat siya ng labi. Hindi naman halatang harap-harapan siyang sinaktan ni
Frahisto ngayon. Lahat nagsitahimik. Walang umapela. Walang sumingit. Ang tanging nag-iingay lang sa paligid, ay ang mga rides. Nag-agaw na rin ang liwanag at dilim. Parang puso niyang nagdadalamhati sa sakit nang mga sandaling iyon at gusto itong itakas papalayo. Sa kaniya si Frahisto nung una, eh! Sa kaniya ito! Hindi man sila nag-jugjug sa kama, pero kaniya pa rin ito.

"Siya ba?" lakas-loob niyang tiningnan ang babaeng nasa likuran lang nito at maarteng nakatayo.

Aaminin niya na, maganda ito. May lahing dayuhan sa kulay at buhok pa lang. May lahi rin naman siya, ah. Lahing maganda at diyosa.

"Sino ba sa tingin mo ang babaeng mahal ko?"

Hindi siya sumagot sa tanong na iyon ni Frahisto. Kitang-kita niya ang kakaibang kislap sa mga mata nito. Nagsisigaw ang totoong pagmamahal na sinasabi nito sa babaeng, malabong siya. Mahal siya ni Frahisto, noon. Noon lang siya nito. Hindi na ang pang-ngayon. Nagbago na ang lahat. Hindi na siya ang nag-iisang diyosa sa buhay nito. Hindi na siya...

Tumalikod lang siya at hinila ang kamay ni Maccabi papalayo ro'n. Tahimik naman itong sumunod sa kaniya. Dapat pala, hindi siya nagpunta sa araw na ito sa amusement park. Siya itong na-amuse sa nangyari sa araw na ito. Grabeng revelation! Hindi kinaya ng puso niya ang mag-inarte at gamitin si Mr. Fakhoury.

Napagod na si Frahisto. Napagod na nga sa kaniya. Masyado siyang naging kampante. Nagsimulang magsipatakan ang mga luha sa mata niya habang naiinis na pinunasan niya ang mga iyon. Hindi siya iiyak, okay! Hindi.
Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ni Maccabi, pinapahiwatig niya rito na 'wag na siya nitong tanungin pa sakali. Naiintindihan naman siya nito at sumunod lang sa kaniyang gusto.

Uuwi na siya. Tama na ang pagkukunwari. Siya ang talo. Kasi, unang-una ano ang kaniyang pinaglalaban 'di ba? Bakit siya naggaganito? Ah, dahil nakita niyang may ibang kasama ang taong mahal niya. Oo, mahal niya naman talaga. Hindi naman talaga ito nawala kahit saglit. Kinain lang siya ng takot noon.

"Why won't you fight for it?"

Sandali siyang napatigil sa paglalakad at hinanap ang binata. Malayo na sila. Malapit na sa exit. Napapansin niyang nakatingin sa kaniya ang mga staff doon pero pakialam ng mga ito? Nasasaktan siya.

"Para ano, Mr. Fakhoury? Nakita mo ba 'yong mga kislap ng mata niya? Kung paano niya banggitin ang pangalang Jackylyn? Kung paano kasaya ang ngiti niya habang nasa tabi niya ang babaeng iyon? Nakita mo naman 'di ba? Alam mo, ang tanga ko, eh! Nasa akin na siya rati, eh. Nasa akin na siya pero sinayang ko. Kaya paano ko siya ipaglaban, ha? Fight for it? Ang alin, Maccabi? Ang pagmamahal ko ba ang ibig mong sabihin? Ha? Iyon ba?"

Napabuntunghinga ito at marahang pinunasan ang mga luhang nagsibagsakan sa mata niya. Hinawi rin nito ang kaniyang buhok at bahagya itong ngumiti. "Tinanong mo ba si Yx kung sino ang babaeng sinasabi niya?"

Mabilis siyang umiling at napahikbi. Mas lalo lang siyang napaiyak, sa isiping baka isampal sa kaniya ni Frahisto ang salitang iba na ang mahal nito kapag nagtanong siya.
"H-halata naman si Jackylyn, 'di ba?"

"Ayaw mo ba talagang bumalik at tanungin si Yx?" naniniguradong tanong nito.

Bigla siyang nagdalawang isip sa sinabi nito. Wala naman mawawala sa kaniya kung gagawin niya iyon. At least, nag-try siya. Nawala na sa kaniya ang lalaki sa kaniyang pagiging duwag dati, kaya tama rin si Maccabi. Tanungin niya si Frahisto at bahala na kung may fiancée ito! Hindi pa naman ito totoong kinasal at wala pa napepermahan papel. Maagaw pa niya!

"Ano, Ms. Philco?"

Hindi niya na magawang sagutin ang tanong na iyon ng lalaki. Mabilis pumihit ang kaniyang paa at tumakbo pabalik kay Frahisto. Bahala na!

Isang mahigpit na yakap ang ginawad niya sa likod ng lalaki. Nakatalikod ito at kausap ang apat na kaibigan nito habang nasa tabi ang babae. Nagulat ang lahat sa kaniyang ginawa pero ngayon lang siya may lakas-loob ulit. Tama na ang kadramahan niya sa buhay!

"Mahal kita!" Wala siyang pakialam kung sumigaw na siya nang sambitin niya ang katagang iyon. "M-mahal kita, Farhistt- Frahisto! Mahal kita at paulit-ulit ko itong sasabihin, mahal na mahal pa rin kita. Pero ikakasal ka na kay Jackylyn Roka-peste ang hirap banggitin ng apilyedo ng babae mo!
Nakakaiyak. Oo, naiiyak ako kasi ang tanga ba naman ng puso ko." Nang akmang lingunin siya ng lalaki, mas hinigpitan niya ang kaniyang pagkakakayakap dito. Saka na ito humarap kapag tapos na siya sa pagsasalita. Kapag tapos na siyang umiyak. Kapag nailabas niya na lahat.

"Odessa..."

"Frahisto 'di naman kita aagawin sa babaeng 'yan. Bumalik lang ako para malaman mo na hanggang ngayon, ikaw pa rin talaga. Walang kami ni Mr. Fakhoury. Pinapaselos lang kita, pero ako ang nagselos. Ang nasaktan. Ang umiyak. Kasi 'di ba, sino ang hindi maiiyak kung makita kang masaya na sa iba? Ang tanga ko kasi naman. Tapos ang arte-arte pa! Nagpadala ako sa takot ko kaya pati pagmamahal ko sa'yo, nabalot ng takot dati. Pero Frahisto, w-wala na ba talaga? Ayawan na ba talaga? Hindi pa pwedeng ako na lang ang diyosa mo ulit? A-ako na lang ulit, Frahisto... Ako na lang..." Sunod-sunod siyang napahikbi. Mahahati yata ang puso niya sa sakit na naramdaman. Ganito pala ang naramdaman ng lalaki nung nagmakaawa ito sa kaniya pero 'di niya pinahalagahan. Hindi niya pinakinggan. Ganito pala kasakit. O baka mas masakit pa nga ang naramdaman nito.

"Odessa, makinig ka..."

"M-mamaya ka na magsalita. Hindi pa ako... Tapos. H-hayaan mo lang ako. Deserve ko ito, eh. Deserve ng mga taong tanga ito tulad ko. Na sa akin ka na, pinakawalan pa. O 'di ba, nasalo ko. Pero okay lang, Frahisto. Nasasaktan man ako ngayon, huli man ako na maisip na ikaw pa rin ang mahal ko... Okay lang. H-hindi naman masyadong masakit. H-hindi naman masyado... Konti lang naman. Makakaya ko rin ito..."

"Vida Mia..."






—————————————————————————————————————

NA:

Ang drama ng Diyosa natin. Ewan ko jan. Hahaha malapit na sa ending. Konting kembot na lang. Di kinaya sa oras. Need na kasi matulog.

Ang tigang ba ng buhay ni Farhistt? Labb ko kasi kayo, kaya wala siyang ano. Hahahah

Anong magandang ending gusto niyo?

Gusto ko marinig.

DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARREROWhere stories live. Discover now